Walang Kapalit, Episode 82

by

Sinabi ng doktor(?) kay Noel na may episodes ng breakdown si Melanie at parang nawawalan na ito ng motivation to fight. Habang binibisita ni Noel si Melanie at pinangbabalat niya ito ng orange, wala lang kibo si Melanie. Noong nagsalita ito sinabi niya na nararamdaman niya na buhay ang anak niya. Walang nagawa si Noel kung hindi yakapin na lang si Melanie habang umiiyak ito.

Ayaw tumigil ng kaiiyak ang “ampon” ni Cynthia. Ang sabi ng nurse baka daw

Nalaman ni Vanessa ang nangyari sa anak ni Melanie, sinabi nito kay Miguel na gusto nitong puntahan si Melanie. Tama raw iyon sabi ni Miguel, dahil kailangan niya lahat ng lakas na pwede niyang makuha.

Nagkausap sina Miguel at Brian at sinabi nito na gusto niyang puntahan si Noel. Bakit hindi daw niya subukan, sabi ni Miguel sa kanya. Titiyempo muna raw siya.

Nawawalan ng pag-asa si Melanie, pero pinapalakas pa rin ni Yaya Ceding ang loob nito. Iiyak daw niya hangga’t wala ng matirang luha sa kanya.

Pinuntahan ni Brian si Noel sinabi nito na sana maging magkaibigan na sila ulit tutal wala na si Cynthia, ang source of conflict nila, at nagpunta na sa Australia kasama si Victor at ang ampon nila.

Sabi ni Noel, ang pagkakawala ng anak nila, iyon naman ang pagkakaroon ng anak ni Cynthia. (Kung ako ito, magdududa ako…grrrr!). Sinabi ni Brian na bata pa naman sila at pwede pa silang magkaroon ng maraming anak. Sinabi ni Noel na 2 beses ng nakunan si Melanie, baka hindi na siya magkaanak. (Again with the miscarriages! Alam ko once lang nakunan si Melanie, ano ba yan!!!)

Nag-uusap ang 2 doktor. Sinabi ni Dr. Olivarez na isumbong nila sa immigration si Cynthia for kidnapping dahil hindi sila binayaran. Pinigilan naman siya ng isa at sinabing baka mabitay pa sila kapag nalamang kasangkot din sila.

Sinabi ni Noel kay Ceding na hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Brian sa kanya na nag-ampon sina Cynthia. Nagtataka si Noel, noong pagkawala daw ng anak nila, saka naman nagkaroon ng anak si Cynthia. Ang sabi naman ni Ceding, namatay ang anak nila, hindi lang basta basta nawala.🙄

Pinuntahan ni Noel ang attorney ni Melanie for updates. Nagtataka silang pareho noong nalaman nilang nasa America na ang bata. Nagaalala na raw talaga si Noel para kay Melanie.

Iniiwasan si Melanie ng doktor na nagpaanak sa kanya.

Hindi macontact ni Diane si Cynthia, disconnected ang phone nito at pati mga cellphone numbers nila iba na rin. Baka naman daw nagtatago sa kanila si Cynthia sabi naman ni Brian sa asawa. Bakit naman daw ito magtatago, sabi ni Diane.

Hinahanap ni Noel sa internet si Rodney Perez, ang batang saksi sa pagkakabaril ni Ronald.

4 years later…(Gaano ba ako katagal nakaupo dito?)

Nagtuturo si Melanie ng grammar sa kasama niya sa bilangguan. Araw-araw pa rin ang pagdalaw ni Noel kay Melanie. May sumagot na raw sa sulat niya, nakausap daw niya ang tagapag-alaga ni Rodney Perez…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: