Natutulog ba Ang Diyos? Episode 21

by

Kausap ni Mike si Emma sa phone, pagbaba niya ng teleponon, tinanong siya ni Rose kung sino ang kausap niya. Sinabi ni Rose ang tungkol sa mystery caller niya. Mukhang akala yata ni Rose si Emma ang pintutungkulan nung caller.

Nag-aalala si Gillian kay Karla dahil hindi nito sinasagot ang calls niya. Sinisisi rin niya ang sarili sa nangyari kay Patria, at dahil din daw sa kanya kaya napasara ang club, kaya tuloy napilitang umuwi si Karla kay Minerva. Mukhang nagseselos din si Gillian kay Trish.

Hindi pa rin convinced si Rose, nagdududa pa rin siya. While inaassure siya ni Mike na wala itong ginagawang kalokohan, tumawag ulit si Emma para sabihing natuloy ang deal nila ni Mr. Crisostomo. Niyaya ni Rose si Mike na sumama sa kanya para magcelebrate. Ayaw niyang sumama.

Tinanong siya ni Andrew kung bakit hindi siya sumama sa daddy niya. Wala daw siya sa mood. Tinanong niya si Andrew if it’s not still too late for her to have a career, buti pa raw si Emma, may career. Pinasaya naman siya ni Andrew at sumunod na sila sa opisina ni Mike.

Sa arking lot, nakita ni Andrew na nakaipit ang picture ni Mike at Patria (nakatakip ang mukha niya with some kind of ink) sa windshield wiper ng kotse ni Mike. Buti na lang at hindi ito napansin ni Rose. (Nandoon din si Minerva, papaalis noong padating sina Andrew).

Succesful ang surgery ni Patria pero kailangan niya ng complete bed rest at rehabilitation after that.

Noong pauwi na si Mark, sinabi niya kay Gillian n natutuwa siya at bumalik na si Gillian, at namiss niya ito.

Nabigla si Mike sa pagsunod nina Rose at Andrew, masayang pinakilala niya ang mga ito kay Mr. Crisostomo.

Nalaman ni Karla mula sa nanay niya na may binabalak ito kay Mike. Habang magkahaap ang magnanay, tumawag si Andrew kay Karla. Nagkunwari si Karla na prank caller ang kausap niya at binabaan niya ng cellphone si Andrew.

Nakita na ni Andrew ang nakakandong sa daddy niya sa picture.

Sa agahan, sinabi ni Mike kay Rose na impressed si Mr. Crisostomo sa kanya. Sinabi nito na after ma-close ang deal nila magbabakasyon sila sa Europe. Wala pa rin kibo si Andrew, kaya sinabi ni Mike na hindi na ito galit sa kanya dahil sinabi na ni Gillian ang nangyari kaya hindi nito nagawa ang tungkol sa catering.

Nagpunta si Gillian sa nurse’s station para humingi ng slip para sa paglabas ni Patria. Nakita niya ang mga nurses at sinabi niya doon sa nakausap niya na gusto niya ring maging nurse.

Pinagalitan ni Emma si Mark dahil nagpahatid pa io kay Trish para puntahan si Gillian sa ospital.

Nagdadabog si Tina habang inaasikaso si Patria.

Naglilinis na si Gillian ng bahay para sa pagdating ni Patria. Nabigla siya kay Andrew. Tinatanong ni Andrew kung nakausap na niya si Karla, may gusto lang daw itong itanong. Naghampasan sila, na nauwi sa kilitian. Nakita ito ni Mark, paalis na sana ito pero tinawag siya ni Andrew. Noong paalis si Andrew, nakita niyang inaayos ni Marka ng buhok ni Gillian…

Awwwwwwwwwwwwwwwwwwww.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: