Ysabella, Episode 36

by

Umalis na si Andrew at nagyakap sina Alex, Ysay, at Trining.

Tinanong ni Jordan si Mito kung hindi raw ba niya dadamayan si Ysay. Hindi kumikibo si Mito, kaya sinabihan siya ni Jordan na insecure at insensitive.

Sa burol ni Perry, sinabi ng kapitbahay nina Alex na na sa kanya ang mga gamit nila at doon na muna sila tumuloy habang wala pa silang matitirhan. Hini tumitigil ng pag-iyak si Ysay. Nag-5-minute iyak sina Trining, Alex, at Ysay. Nagpunta si Andrew, pero hindi ito pumasok.

Inilibing na si Perry. Nagpunta si Mito, pero hindi ito bumaba ng sasakyan. Kinantahan pa ni A

lex si Perry habang naglalalagay ng bulaklak sina Ysay, Trining, at iba pang nakikiramay. Dumating si Andrew na may dalang bulaklak, nakita ito ni Mito at umalis na siya. Kinausap niya sina Ysay, sinabi nito na nakikiramay siya at kahit gusto niyang magpaliwanang, hindi rin siguro nila maiiintindihan ito. Dinedma la siya ng mga ito. Masyado na raw ang pinaggagawa ng pamilya ni Andrew sa kanila.

Nagalit si Jordan kay Mito dahil sinabi nitong tapos na ang responsibilities niya kina Ysay. Alam daw niton mahal pa rin niya si Ysay, wala na raw magagawa ang pagmamahal nito sa kanya. Lahat daw ng mga nangyayari dahil sa pride niya. Umamin si Mito, hindi raw niya maharap ang sarili nito dahil sa nangyayari sa kanya. Hindi raw niya matanggap na matatali si Ysay sa isang katulad niya at hangga’t hindi niya maiaayos ang sarili niya, wala siyan mukhang maihaharap kay Ysay. Hindi naman daw niya kaialangang makipagbalikan sa kanya para lang matulungan siya, sagot naman ni Jordan.

Pinuntahan ni Andrew si Victoria para makiusap na ibenta nito sa kanya ang bahay ni Ysay. Pumayag si Victoria, pero for P8 M daw, tutal he said “please.” Nakiusap ulit si Andrew, tutal daw napatunayan na niyang siya si Victoria Amarillo, nanalo na siya. Nagalit si Victoria, ang tingin daw ba ni Andrew sa kanya ay gusto lang nitong magpahirap ng ibang tao (duh!). He’s so pathetic daw, ano raw ang susunod na gagawin ni Andrew, lumuhod siya at magmakaawa, para lang kay Ysay? She had no doubts daw na that they deserve whatever they were going through. Lumuhod si Andrew at nagmakaawa. Ibabalik daw ni Victoria ang bahay nila “Kung babalik ka sa akin, anak.”

Umalis na si Victoria at naiywang umiiyak si Andrew…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 36”

  1. nikki Says:

    bilib na talaga ako! ang tiyaga mo!

  2. ptvj Says:

    hehe, inalis ko yung name ko doc nikki.
    btw, tinatype ko lang naman to habang nanonood ako😆

  3. roselle Says:

    ang tagal naman mamatay ni andrew (ryan agoncillo) kasi bakit pinatatagal pa sya doon sa mga episode, bakit nawala sa picture c mito, namimiss ko na silang naglalambingan, sana magkabalikan na sila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: