Walang Kapalit, Episode 81

by

Pinuntahan ni Noel sa morgue ang anak nila na nasa tray na parang i-seserve sa cafeteria at buong pagmamahal niya itong niyakap at iniyakan.

Hinila ni Cynthia si Victor mula sa kwarto nila papunta sa kabilang kwarto. Nandoon ang baby at sinabi ni Cynthia na may nag-iwan sa labas ng bahay nila, sabay pakita siya ng sulat galit sa “nanay” noong bata. Baka daw may buwami sa bata, sabi naman ni Victor. Nagalit si Cynthia at sinabi niyang pwede pa nilang idemanda ng abandonment ang mga nag-iwan sa bata. Agad namang nahulog ang loob ni Victor sa bata. (Hindi ba niya napansin na hindi nakapantulog ang anak nila? At saka hindi naman mukhang bagong panganak iyong bata).

Tinatanong ni Ceding ku ililibing ba o ibuburol ang bata. Ililibing na lang daw, ang sabi ni Noel. Pagbalik nila sa kwarto, wala si Melanie. Nakita nila ito sa morgue at tahimik na umiiyak.

Namimili ng mga baby things sina Cynthia at Victor. Aliw na aliw si Victor as puro mamahalin ang mga pinipili niya. Sinuggest ni Cynthia na sa Australia na lang sila bumili, para makatipid sa shipping.

Tinanong ni Brian kung saan galing ang bata. Paano raw kung naghabol, ang mga magulang, sabi ni Brian.

Sa burol ng bata, nandoon si Melanie na nakauniform (naman! bakit hindi man lang siya magpalit ng damit?). Bukas na bukas din daw ay ililibing na nila ang bata. Gusto na raw niyang isara ito, gusto na niyang mag-umpisa ng bagong pahina sa buhay niya. Hindi siya umiiyak, sinabi niya kay Noel na huwag siyang mag-alala, alam niya ang laman ng puso niya at iyon ang panghahawakan niya.

Nakikipaglaro si Cynthia sa baby noong nakatangga ito ng tawag ang OB-Gyn ni Melanie. Hinahanap nito ang kabuuan ng bayad, or else daw damay damay na lang sila.

Nailibing na ang bata at nakabalik na sa kulungan si Melanie. Pagdating niya doon sinalubong siya ng mga yakap at condolences ng mga kasama niya sa kulungan.

Nagpunta si Noel sa “puntod” ng anak nila. Humihingi siya ng lakas dito para sa mga unos ng buhay. At the same time, kinakausap naman ni Cynthia ang “baby” niya, sinasabi niya dito na sa lahat daw ng mga stages nito sa buhay, hindi ito makikita nina Melanie at Noel.

Umiiyak si Melanie sa higaan niya. Nagising ang mga kasama niya sa kwarto, pilit nilang inaaalo ito, pero iyak pa rin siya ng iyak…

4 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 81”

  1. Consuelo Says:

    Did you notice that they had the same venue for the wake as Ronald’s? And also the same place of burial?

  2. ptvj Says:

    ay, hindi ko napansin. busy kasi akong nabubwisit kay cynthia😆

  3. Consuelo Says:

    At least hindi siya mean sa baby.

  4. Emoseb Says:

    ang tagal ko nang hindi napapanood to.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: