Natutulog ba Ang Diyos, Episode 20 — Updated**

by

Umalis na si Mike, lumabas si Minerva at tinanong si Gillian, kung may pera na sila. Inisnab lang siya ni Gillian.

Dumalaw sina Rose at Andrew kay Patria. Mamayang gabi na raw ang operasyon. Sinabi ni Rose na ikukuha niya ng private room si Patria dahil masikip daw ang kwarto niya.

Sinabi ni Emma kay Mike na babalik na si Mr. Crisostomo sa partnership nila. Tuwang-tuwa si Mike at sinabing ipo-promote niya si Emma.

Pumunta si Boy sa restaurant, inalis na niya ang picture ni Gillian doon. Binigyan siya ng pagkain ni Michelle, bago ito umalis.

Ni-raid ang club ni Minerva, sinabi ng kasbwat niya pulis na may nag-report na tumatanggap na sila ng menor de edad. Nalaman ni Minerva na si Mike ang nagsumbong.

Tinawagan naman ni Heidee si Karla para sabihing na-raid ang club ng nanay niya at wala itong kasama.

**(Kulang pala iyong napanood ko kanina, eto yung missing parts). Galit na galit na pinuntahan ni Minerva si Patria at sinabing maghihiganti daw ito kay Mike dahil sa ginawa nitong pagsusumbong sa kanya sa mga pulis.

Pinuntahan ni Karla si Gillian, pero hindi niya ito naabutan sa bahay at isa sa mga tauhan nina Rose ang nakausap niya.

Nadidepress si Rose dahil daw kasi si Patria, she’s not the ideal mom pero isang aray lang nito nagkakagulo ang mga anak niya sa kanya. Na parang ma certain hold siya over them. Samantalang siya she tries her best, yada, yada, yada…(I still din’t get what her problem was. Mabait naman sa kanya si Andrew).

Nagdidispatsa na ng mga kagamitan si Minerva, in case daw na bumalik ang mga pulis ay wala na silang makikita. Nahalungkat niya ang mga ipinatagong mga kagamitan ni Patria sa kanya noon. Nakita niya ang picture ni Patria na nakakandong kay Mike noong dancer pa siya sa club.**

Sinara ni Minvera ang club dahil sakit lang daw sa ulo. Pinuntahan ni Karla si Minerva habang kausap nito ang isa sa mga tauhan niya.

Sinabi ni Gillian kay Mike na naka-schedule na for operation si Patria. Tinanong ni Mike kung kumusta naman ang pakikitungo ng mga magulang niya sa kanya. Ayos naman daw, sagot ni Gillian. Sinabi ni Mike na ayaw niyang mangyaring masama kay Gillia at tinuruan na raw niya ng leksiyon si Minerva.

Tuwang-tuwa naman si Minerva noong nakita niya si Karla. Noong nakita niyang okay naman ang nanay niya, gusto na nitong umalis ulit. Sinabi ni Minerva na magbabagong buhay na sila at makakapag-aral na sila. Saan naman daw siya kukuha ng pera. Maghintay lang daw ito at yayaman na sila.

Sinabi ni Gillian kay Boy na pinasara ni Mike ang club ni Minerva. Nag-aalala tuloy ito kay Karla. Sinabi ng isa sa mga tauhan nina Rose na may naghahanap kay Gillian, mukha daw naglayas.

Nag-aalala si Patria, baka kasi alam na ni Mike ang tungkol sa pambubugaw ni Patria kay Gillian. Ninenerbiyos si Patria para sa operasyon niya. Baka daw ito na ang oras para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya.

Nag-aalala si Gillian tungkol kay Karla. Gusto nitong i-text siya pero wala naman siyang cellphone. Ayaw namang pagamitin ng cellphone ni Tina si Boy. Tinanong ni Tina kung paano sila nagkita, siguro daw alam ni Boy kung nasaan daw talaga si Gillian at dinadramahan lang siya. Nagalit si Gillian at kinuha ang cellphone ni Tina at sinabing kung hindi ito magtitino, doble pa ang ipapatikim niya sa kanya, sabay hagis sa kanya ng cellphone.

Nagpunta si Mark sa ospital kasama si Trish. Mukhang nagselos si Gillian.

Tinawagan ni Minerva si Rose at tinanong nito kung gaano niya kakilala ang asawa niya at wala raw ba itong sikretong itinatago sa kanya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: