Margarita, Episode 11

by

Nakapagtago sina Robbie at Gabby bago nakababa si Magda. Nakatawag sila pero coworker ni Margarita ang nakasagot at sinabi nitong hindi pa ito umuuwi mula sa club. Nakita ni Magda mula sa hagdanan na tumawag sina Robbie.

Kinabukasan, wala ang telepono nila. Sinabi ni Magda na naputulan na sila ng telepono dahil hindi nagpapadala si Margarita. (As if naman na hindi sila makakatawag sa ibang telepono). Dinalhan ni Duday si Margarita ng pagkain. Kinukumbinsi niya si Magarita na pumayag na lang sa gusto ng amo nila. Pero ayaw n Margarita at sinabi niyang tatakas na lang siya.

Sinabi ni Duday sa amo nila na pakawalan na niya si Margarita, pero ayaw nito dahil siya raw ang star ng club. Sinabi ni Duday na siya ang star at hindi si Margarita. Hindi raw, sabi ng amo nila.

Si Rodrigo ang nanalo sa contest nila sa school. Pinuntahan ni Duday si Rordrigo para sabihing pinuntahan siya ng mga kapatid ni Margarita dahil ilang araw na nila itong tinatawagan pero hindi nila makausap.

Pumunta sa kinakukulungan ni Margarita sina DUday at ang amo nila. Tinanong ng amo niya si Margarita kung pumayag na ito sa gusto niya. Pumayag na si Margarita at pinalabas na siya sa kwarto.

Habang nasa loob ng club, pumuslit ito sa mga nagbabantay sa kanya. at nagpunta sa opisina ng amo nila at hinahanap ang passport niya. Nakuha ni Margarita ang passport niya.

Sumasayaw na ulit si Margarita sa club at tuwang tuwa naman ang boss nito kahi dinoblehan pa niya ang sweldo nito.

Hindi pa rin niya nakakausap ang mga kapatid niya, pero nakausap na nila si DUday at sinabi nga nito na busy lang si Margarita sa club kaya hindi siya nakakatawag.

Itinable na naman si Margarita ng isang hapon, habang nasa kama sila pinalo niya ang hapon ng flower vase at nawalan ito ng malay. Tinawagan ni Margarita si Duday at humingi ito ng tulong para makaalis sa Japan. Sinabi ni Duday na sarado pa ang mga agencies at kung gusto niya ay puntahan muna siya nito para magtago hanggang makabili na siya ng ticket.

Pagdating ni Margarita doon, naroroon din ang mga tauhan ng amo nila…

Sabi ko na nga ba kontrabida si Duday. Tsk. Tsk.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: