Ysabella, Episode 35

by

Na-agitate ng husto si Perry sa presence ni Victoria. Kahit indi makapagsalita pilit nitong sinasabi ang “Hayop ka!” kay Victoria.

Pumunta si Jordan sa bahay ni Mito dahil hindi siya gustong papasukin sa bahay ng daddy nila. Mukhang lasing ito, at sinabi niyang ano ang magagawa nila, hindi niya makalimutan si Ysay. Paano raw nagawa ni Mito na iwan si Ysay, na walang ginawa kung hindi magmalasakit kay Mito, Kung may pagkakataon lang daw sila ni Lima, hindi niya hahayaang mamayani ang insecurity na namamayani kay Mito.

Utos ni Victoria sa mga tauhan niya, alisin lahat ng gamit nina Ysay. Kahit daw amoy nila ayaw niyang manatili sa bagong bahay nila. Si Ysay, hindi makapagsalita sa harap ni Victoria.

Inatake si Perry. Pero sige pa rin ang pangunguha ng mga tauhan ni Victoria ng mga gamit nila. Isinugod ito sa ospital. Nabalitaan ni Andrew ang nangyari at nagpunta ito sa ospital.

Namatay si Perry, time of death: 2:30 pm.

Sinugod ni Ysay si Victoria, sinundan siya ni Andrew. Doon niya nalaman ni Ysay na anak ni Victoria si Andrew.

Ayaw papasukin ng guard si Ysay (pero binuksan niya ang gate🙄 ). Habang nagsisisigaw si Ysay, nagbasa lang ng magazine si Victoria. Dumating na si Andrew. Sinampal ni Ysay si Andrew.

Habang nangyayari ang commotion, nag-ring ang cellphone ni Phuket at si Jordan ang nasa kabilang linya. Sinabi niyang namimiss na niya ito pero hindi siya makakapagtagal sa phone dahil nasa labas si Ysay. Ibinalita na rin niya dito na namatay ang Tiyo Perry ni Ysay.

Tawa ng tawa si Victoria pagpasok nito sa bahay. (Hindi kaya ito nakalunok ng bangaw?)

Ibinalita ni Jordan kay Mito na namatay si Perry. Sinabi ni Jordan na kailangan siya ni Ysay.

Dumiretso sa simbahan si Ysay at doon umiyak ng umiyak.

Nagpunta si Andrew sa bahay nina Ysay, hinahanap niya ito pero nauna pa pala siyang dumating kay Ysay. Galit na galit si Ysay, at sinabi niya kina Alex at Trining. (Hindi ba nila alam ang last name ni Andrew?).

Paano daw niya nagawa sa kanila ito, tanong ni Trining. Galit na galit si Ysay, pinagtutulak niya si Andrew. Nasabi na tuloy ni Andrew ang matagal na niyang kinikimkim: Mahal niya si Ysay. Sinubukan niyang mag-explain pero, pinalayas siya ni Ysay. Iwan na raw muna sila ni Andrew, ang sabi ni Alex. Hindi raw magugustuhan ni Andrew na ipagtabuyan pa niya ito, sabi ni Trining.

Luhaang umalis si Andrew…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 35”

  1. nawawala Says:

    grabeng drama! iyak ako ng iyak hanggang pagkatapos at commercial na, umiiyak pa rin ako! hehe…

  2. nawawala Says:

    talagang walang puso si victoria!!

  3. ella Says:

    ndi naman siguro kasalanan ni andrew na maging anak ni victoria amarillo hay ang life talaga sisihan lng.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: