Walang Kapalit, Episode 80

by

Ibinalita ni Noel na may nahanap ng witness ang abugado ni Melanie. Malungkot namang ibinalita ni Melanie na may diperensiya ang anak nila. Kailangan daw mailabas niya si Melanie doon para maipatingin sa ibang espesyalista.

๐Ÿ™„ Hindi ba pwedeng papuntahin na lang ang espesyalista doon?๐Ÿ™„

Ayaw ng papagtrabahuhin ng mga kasama niya sa kulungan si Melanie dahil baka raw mapano ang anak niya. Pinipilit pa rin ni Melanie na magtrabaho para mawala sa isip niya ang pag-aalala niya sa anak nito. Pumayag rin siya na magpahinga.

Hindi pinagbigyan ng judge ang request nilang makalabas muna si Melanie. Hindi daw ba pwedeng maging “sub” na lang daw si Moody? Doon daw muna siya sa loob ng kulungan habang nagpapatingin si Melanie. Hindi naman daw basketball iyon, sabi naman ni Ceding.

Si Ate Vi Cynthia naman, kausap ang doktor na magpapaanak kay Melanie at humihingi ito ng updates sa pagbubuntis ni Melanie. Mabuti naman daw at malusog ang bata dahil ayaw niyang mag-alaga ng sakiting bata. Itinanong ni Cynthia kung saan sila kukuha ng patay na bata, si doktora na raw ang bahala doon.

“Kasalan ba raw talagang magmahalan sila ni Melanie?” ang tanong ni Noel. Tuwi na raw kasing pagbibigyan nila ang pagmamahalan nila sa isa’t isa, laging may masamang nangyayari, parang tumututol ang langit. Hindi dawn kasalan iyon sabi ni Yaya Ceding dahil hindi sila tunay na magkapatid. Pero bakti daw puro katumbas ay mga buhay ng mga mahal nila sa buhay. Sinabi ni Yaya Ceding para daw kasi silang ginto na kailangang dumaan sa pinakamainit na apoy para lalong mas kuminang. Dagdagan na lang daw niya ang dasal.

Sumakit na ang tiyan ni Melanie, nagulo na ang mga kasama niya sa selda at dinala na siya sa clinic sa kulungan. (Ha? I didn’t see that anyone let them out, pwede ba silang lumabas ng mag-isa doon?๐Ÿ™„ ).

Dumating si dokleng, pinalabas lahat ng mga nagbabantay kay Melanie. Sinabi niya na kailangang dalhin siya sa ospital dahil baka ma-C-section ito. Dadalhin daw siya sa ospital, magdala daw siya ng isang guardia. (Really? May batang lalabas sa vagina mo, ikaw pa ang papuprublemahin nila sa dadalhin mong guwardiya?)

Nasaan si Noel????!!! Bakit hindi nila tinawag si Noel.

Nasa ospital na sila. Pinapa-push ni doktora si Melanie. (`Tangna, akala ko ba C-section siya? At saka bakit mag-isa lang siya doon? Asan ba si Noel? Bakit hindi siya ininform?)

Nakapanganak na si Melanie, at tinurukan ng pampatulog ni doktora si Melanie, habang iniwan niya ang bata sa isang mesa. (Ano ba yan, paano kung nahulog iyong bata?) Inalis na ni doktora ang bata.

Kinatok ni Ceding si Noel at sinabing nasa ospital si Melanie.

Nagising na si Melanie, sinabi ni dokleng doktora na patay niyang iniluwal ang sanggol. Ayaw maniwala ni Melanie dahil narinig niyang umiyak ang sanggol. Sinabi naman ng doktora na baka ilusyon lang niya iyon dahil naka anesthesia siya.

Nakuha na ni Cynthia ang bata. (At hindi nagtataka si Victor na wala ng madaling araw ang asawa niya?)

Nagwawala na si Melanie. Dumating sina Noel, Ceding, at Moody at sinabi ng doktor na namatay nga ang anak nila. Ayaw pa ring maniwala ni Melanie. Nasa morgue na raw ang anak nila…

Ano ba iyan, sa ikapitong bundok ba nakatira sina Noel at hindi sila agad nakarating? Daig pa nila ang naglakad ng nakayapak sa bundok at sumakay ng bangka at napilitang lumangoy dahil nahulog ang mga sagwan nila sa sobrang bagal nila. Sumakit ang ulo ko sa episode na ito.๐Ÿ™„

6 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 80”

  1. nawawala Says:

    ay nako sinabi mo!! tsaka wala man lang nurse kahit isa? dun pa lang, may foul play na eh! tapos mag-isa rin yung doktor na pumasok sa hospital. nagsasara ba ang hospital? lintek na episode yan… tsaka yun din nga iniisip ko eh, na hindi ba magtataka si victor kung biglang may baby sila ng madaling araw??? ah ewan!!

    at kung ako yan, hihingi ako ng dna test para mapatunayan kung anak ko ba yung namatay. eh kung talagang narinig mo yung iyak ng baby diba! bwiset! puro na lang kasamaan!!

    hehe.. hayblad na tayo.. hihi.

  2. ptvj Says:

    o di ba, grabe. kahit wala akong migraine, para akong magkakamigraine sa sakit ng ulo ko sa gulo ng kwento nila. sana naman pag-isipan nilang maigi iyong flow ng story nila.

    nakakataas talaga ng presyon. hehehe.

    matatapos na ba ito this week?

  3. nawawala Says:

    matatapos na nga ba? sana nga eh at nang masolusyonan na lahat! sobrang dami ng problema nila! hehehehe…

  4. Not so into it Says:

    BAd trip! Gusto ko pa naman yung sequence most of the time. Kaya lang naman, pag waland evil, dehin na fun. Pero bad trip pa rin. Abnormal yung director (obviously not in the medical field LOL) C-Section tapos Push? At napaka dilim nung O.R. para bang nasa kweba nanganak.

    I hate this episode. 2 thumbs down. Bobo!

  5. ptvj Says:

    nawawala: nakita ko kasi “ang pagtatapos” dun sa teaser so, it’s probably either this friday or the next.

    not so into it: 2 thumbs down talaga. haaayy…

  6. ajsy Says:

    As I said, this is the beginning of the end. For now Cynthia claim her victory against Melanie, Noel, Ronald’s Family, the child witness and others. But … this could led her downfall soon, because the child is not hers if and only if after 10 years that they said that the child is just adopted, this one will be more exicted than ever be. Don’t forget this episode is already taped almost a year ago, so we should not complain about this latest twist. Let’s wait for the real truth and the downfall of Cynthia. My possible/imaginary finale title is “The truth shall set you free.” from the book of John Chapter 8 Verse 32

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: