Margarita, Episode 10

by

Maraming perang nakuha si Margarita. Sinabi ni Duday na kung sino man ang taong kinagagalitan niya dapat lagi niyang iniisip iyon para maging maganda ang mga performance niya.

Nagpdala ng pera, pagkain, at mga damit si Margarita. Pero kinuha ni Magda ang mga dapat ay para kina Gabby at Robbie. Kinuha niya rin ang mga de-lata at ibang mga sapatos nina Robbie at Gabby para ibenta sa mga kapitbahay.

Napaaways sina Robbie at Gabby dahil tinawag na Japayuki ng mga kaklase nila si Margarita. Napatawag ng principal’s office si Magda kaya nasabon na naman ang dalawa. Kahit ano pa raw ang gawin ng ate nila sa Japan, ginagawa niya ito para sa kanila.

(Puro music lang ang mga eksenang ito…)Patuloy pa rin ang pagpapadala ni Margarita ng pera sa Pilipinas. Mabenta pa rin siya sa mga customers ni sa Japan. Habang ang mga kapatid niya ang lagi pa ring napapaaway at si Magda naman ay pinapatalo lang sa sugal ang mga perang ipinapadala ni Margarita.

May VIP na nagtable kay Margarita at pinipilit siyang tsansingan nito at naalala niya noong ni-rape siya dati. Itinulak niya ang lalake at iniwan niya ito.

Sinampal siya ng boss nilang Hapon dahil daw binastos niya ang napakaimportante nilang customer.

Tinawagan ni Rodrigo si Margarita. Nagsinungaling siya at sinabi niya na masaya naman siya sa trabaho niya. Masayang kinukwento ni Rodrigo ang mga activities nila sa Academy. Nag-“I love you” si Rodrigo pero hindi nila sinagot.

Tumawag si Margarita sa bahay nila na pero wala ang mga kapatid nila. Humihingi pa ito ng karagdagang pera si Magda dahil masyado daw magastos ang mga kapatid niya. In reality, ni pambili ng ballpen ayaw niyang bigyan ang mga ito at sinasabi pa niya na hindi nagpapadala ng pera ang Ate nila.

Tatawagan sana ni Rbbie ang ate niya, pinagalitan lang siya ni Magda. Nagbalak pa rin ang dalawa na tumawag habang natutulog ito. Hindi nila alam, nagising si Magda.

Samantalang, nagbantang magresign si Margarita dahil pinipilit siyang papuntahin sa VIP. Unless makapagbayad daw siya ng P300,000, hindi siya makakaalis.

Ikinulong si Margarita sa isang kwarto…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: