Ysabella, Episode 34

by

Sa kotse ni Andrew, umiiyak pa rin si Ysay. Nagpasalamat si Ysay sa pagdamay ni Andrew.

On going pa rin ang wedding celebration nina Perry at Trining ng dumating si Victoria at hinatak si Lima. Nagtalo sina Victoria at Trining. Sinabi ni Victoria na nagpapalapad lang sila ng papel kay Mito kaya nila tinulungan si Lima. Huwag daw niyang igaya sa kanya na magnanakaw. At sinabi na ni Trining kay Victoria na si Ysay ay anak ni Rosario, ang ninakawan niya ng recipe.

Sinampal ni Victoria si Lima dahil sinabi nito na mas pipiliin niyang maging pamilya ang mga tao sa squatter kaysa sa kanya. “I’m a good mother,” sabi ni Victoria. “No! I’m the good daughter,” sabi naman ni Lima. Sinagot na ni Lima si Victoria.

Nalaman ni Andrew na kinuha na ni Victoria si Lima, noong inihatid niya ang nalulungkot na si Ysay. Sinugod ni Andrew ang bahay nila para isama si Lima. Hindi na sila pinigilan ni Victoria. Sinabi ni Andrew na kahit ang Kuya Albert niya, iniwan na siya nito. In the end, nagalit na rin si Victoria lalo na ng sinabi ni Andrew na parang naniniwala na siya kay Ysay at sa mga paratang nito kay Victoria. Pinalabas niya si Andrew sa mga boydguards niya at ipadadala daw niya si Lima sa Spain.

Humingi ng paumanhin si Ysay kay Trining dahil pati sila, nadamay sa mga gulo nila. Desisyon daw nilang lahat ang pagpapatira kay Lima sabi naman ni Trining.

Tinanong naman ni Victoria si Phuket kung masama ba siyang tao. Sinabi ni Phuket na siya ang dumampot sa kanya sa tubig, kung hindi kay Victoria, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi lang daw siya naiintindihan ng mga anak niya.

Sinabi ni Phuket kay Jordan na bantay-sarado si Lima kaya hindi na muna niya matutulungan ito.

Inoffer ni Victoria ng P8M ang may-ari ng bahay ng tinutuluyan nina Ysay.

Gustong mag-quit ni Ysay sa show niya dahil baka daw iyon ang dahilan kung bakit nagkakagulo sila ni Mito🙄 . Hindi daw pwede sabi ng manager, idedemanda daw niya ito ng breach of contract kapag hindi niya tinuloy.

Si Jordan na ang nag-aalaga kay Mito. Sinabi ni Jordan na gago ang kuya kasi siya ang nagtataboy sa taong nagmamahal sa kanya. Dumating si Ysay, sinabi niyang lahat daw ng tao, sinasabing talikuran siya. Pero doon sa bahay ni Mito siya dinala ng mga paa niya. Ganito na lang ba daw sila? Humingi lang naman daw ng sorry si Mito, patatawarin naman niya ito. Sinabi ni Mito na hindi naman siguro siya manhid para hindi niya masagot ang mga tanong niya. Isara na lang daw niya ang pinto, paglabas niya.

Umiiyak si Ysay, tinalikuran na siya ni Mito.

Dinalaw ni Ysay ang puntod ng mga magulang niya at kinakausap niya ang nanay niya.

Si Mito naman nagkukulong sa kwarto, at umiyak na pinapanood ang mga shows nila ni Ysay. Hindi raw siya karapat-dapat sa pagmamahal niya.

Shoulder to cry on na naman ang papel ni Andrew.

Nanghihina si Perry kung kaya’t dadalhin nila sa ospital ito. Dumating ang landlady nila, sinabing huwag na nilang babayaran ang mga namiss nilang payment. Akala ni Trining, regalo sa kasal nila ni Perry.

Biglang lumitaw si Victoria at sinabing siya na ang nagmamay-ari ng bahay nila…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 34”

  1. cora Says:

    ang ganda talga ng ysabella

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: