Walang Kapalit, Episode 79

by

Sinabi ni Ceding na hindi lang maganda ang pakiramdam niya kaya siya walang kibo.

Sinabi ni Victor kay Brian na magiging daddy na siya. Akala ni Brian buntis na si Cynthia. Doon lang niya nalaman na mag-aampon sila. Dumating si Cynthia, may dalang juice, at nagyayayang kumain sa labas. Mag-celebrate daw sila, dahil nararamdaman niyang may magagandang mangyayari.

Hindi makatulog si Melanie. Kausap niya ang kasama niya sa selda na nahiwalay din sa anak.

Nadatnan ni Vanessa si Elaine na nakaupo sa madilim na kusina. Sinabi ni Vanessa na panahon na para tanggapin na ni Elaine na walang kasalanan si Melanie at self-defence ang ginawa niya. Dapat na raw siyang magsabi ng totoo.

Nagtanong ng hypothetical question sa colleague niya si Dr. Oliveroz(?), tungkol sa pinapagawa ni Cynthia sa kanya.

Sinabi ni Noel kay Melanie na tinotopak noong nakaraang gabi si Ceding. Sinabi ni Melanie na dapat daw mas ipakita ni Noel kay Ceding na mahal niya ito. Medyo nakakahalata na si Noel at naiisip niyang parang may inililihim sina Melanie sa kanya. Pero sabi ni Melanie, wala naman daw.

May dalang pumpon ng bulaklak si Noel dahil narealize niyang hindi niya laging naappreciate ang mga ginagawa nito sa kanya. Akala ni Ceding sinabi na ni Melanie ang totoo kay Noel. Humingi rin ng sorry si Noel sa mga nagawa niyang pagkakamali dati. Mahal daw niya ng parang anak si Noel sabi naman ni Ceding, nagyakapan sila nag-“I love you, Yaya” si Noel.

Pinuntahan ni Vanessa ang puntod ni Ronald. Kung nasaan man daw siya ngayon, sana raw magkaroon na siya ng katahimikan na hindi niya nakuha noong nabubuhay pa siya. Sana raw maliwanagan na si Elaine.

Pumayag na ang mga doktor sa indecent proposal ni Cynthia.

Sumisipa na yata ang bata sa tiyan ni Melanie. Pinatawag siya ng doctor at sinabing may check-up siya. Nagtaka naman si Melanie dahil kaka-check up lang niya.

Nagpunta sa bangko si Cynthia to make arrangements sa pagwiwithdraw niya ng pera.

Nagkita na sina Melanie at ang doktor niya. Sinabi niya dito na che-check-up-in ulit niya si Melanie dahil malapit na itong manganak.

Sinabi ni Cynthia na magtatayo siya ng bar sa Australia, P3M lang daw ang kailangan niya. Kakausapin daw muna ni Brian si Dianne.

Nalaman na ng abugado na may witness sa krimen na ikinamatay ni Ronald. Pero hahanapin pa raw nila ito dahil inilayo siya ng nanay niya dahil na-traumatize daw siya sa nasaksihan.

Masayang ibinalita ni Noel kina Ceding at Moody na may witness na para sa kaso ni Melanie.

Ibinalita ng doktor kay Melanie na ayon sa neonatal test na ginawa sa anak niya, nalaman nilang may diperensiya ang puso nito at mukhang may butas ang puso niya. Alalang-alala si Melanie…

4 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 79”

  1. ajsy Says:

    I think this plot is now in the climax. So let’s wait and see how it will ends, I hope the truth shall set you free!

  2. ptvj Says:

    i wonder when this show will end. doesn’t the network usually show teasers about the ending of a certain show 2 weeks prior? i haven’t seen one, so far.

  3. lani Says:

    I think I have seen a preview where Cynthia and her husband where in an airport (guess going to Australia) and Cynthia was holding a baby…

  4. Better Episode Says:

    This was a way better episode. Although most of the episode consisted of mourning the wrong child of Noel and Melanie.

    The writers, producers, and directors could have made the episode better by researching the immigration/travel law on taking children to another country. It is difficult to believe that a couple can just up and leave the country with a child (the story makes it appear that documents/papers were created for the child to be legalized as part of the Hizon family.

    It is so stupid that Dr. Hizon being a psychiatrist did not even question where the child came from? In addition, the brother did not even bother to remember that Cynthia will always have a negative hidden agenda towards the Boromeos. Ay nako, I hate myself for getting into this stupid teleserye. Palibhasa ito lang ang nasimulan ko so I got hooked to it. I’ve heard the others like Maging Sino Ka Man is tops!

    I hate Claudine’s acting to begin with. But the rest rocks!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: