Natutulog ba ang Diyos, Episode 19

by

Sinabi ni Gillian na nakasalubong lang niya si Boy sa labasan.

Sinabi ni Andrew na binugbog siya at kinuha nila lahat. Naiiyak naman at naaawa si Rose.

Sa opisina na natulog si Mike. Sabi ni Emma ayusin na lang daw niya ang problema nila nina Rose at Andrew, at siya na ang bahala kay Mr. Crisostomo at makahulugang tinignan niya si Mark.

Pinuntahan ni Gillian si Patria sa ospital. Sinungitan pa siya ni Tina at sinisi sa pagkaka-aksidente ng nanay nila. Hindi naman siya kinakausap ni Patria. Kailanga daw operahan si Patria sa lalong madaling panahon or else hindi na siya makakalakad ng normal. Natatakot na umiiyak naman si Patria sa sinapit niya. Inassure siya ni Boy na wala siyang kasalanan, pero sinundan pa rin sila ni Tina sa lobby ng ospital at tinuya pa rin si Gillian. Tutal siya naman daw ang may kasalanan, siya ang maghanap ng perang pang-opera at kung hindi siya makahanap, siya ang mag-alaga sa isang lumpo.

Naghanda ng kare-kare at sinigang si Betang (the maid) para daw lumamig ang ulo ni Mike. Napagalitan na naman si Andrew, nasa impound na raw ang kotse ni Andrew. Puro na lang daw siyang sorry, puro na lang daw siya palpak, kung hindi raw siya magbabago, ang buhay niya magiging isang malaking palpak.

Ayaw ni Patria na humingi ng tulong si Bernardo. Naririnig ni Gillian sa may pintuan ang mga pinag-uusapan nina Bernardo at Patria. Sinabi ni Patria nabaka iyon na ang karma niya sa mga nagagawa niyang mga kasalanan.

Nag-set up ng dinner si Emma kasama sina Mark at Trish.

Humingi ng sorry si Mike kay Rose sa nangyari sa kanila ni Andrew. Dinisiplina lang daw niya si Andrew. Dapat daw kasi, pareho sila ng stand para alam niya kung ano ang susundin niya. Lagi daw kasi niyang kinakampihan ito. Hindi naman daw siya kinakampihan, sabi ni Rose, binibigay lang daw niya ang pagmamahal na hindi maibigay ni Mike kay Rose. Unfair daw iyon sabi ni Mike dahil lahat ng pinaghihirapan niya para kay Anrew at Rose, hindi raw kasi sapat ang pagmamahal.

Narinig ni Gilian ang mga pinag-uusapan nila at noong umalis si Mike ay niyakap niya si Rose.

Sinabi ni Gillian kay Mike na kailangang operahan si Patria, pero wala silang pera. Si Mike na lang daw ang bahala doon, bukas na bukas din ay magdadala siya ng pera sa ospital. Sinabi na rin ni Gillian ang totoo, na naglayas siya at siya ang dahilan kung bakit hindi nagawa ni Andrew ang pinapagawa ni Mike sa kanya tungkol sa catering.

Naisip ni Mike ang mga panununtok niya kay Andrew at pag-aaway nila afterwards. Kinaumagahan, ayaw mag-almusal nina Rose at Andrew.

Pinuntahan ni Minerva si Patria at narinig ni Mike na sinabi ni Minerva na he looked familiar. Narining din ni Mike na sinasabihan ni Minerva si Patria na ibugaw niya ulit si Gillian. Bago nakapag-react si Mike, hinila siya ni Gillian papaalis sa kinatatayuan niya.

Hindi ayon si Andrew sa pag-uwi ni Gillian, sana raw kina Karla na lang daw siya baka ano pa ang gawin ni Patria sa kaya. Nagselos si Andrew dahil nalaman niya na sinabi ni Gillian kay Mark ang mga ginawa ni Patria sa kanya.

Umamin na si Gillian kay Mike. Kakausapin sana ni Mike si Patria, pero pinigilan siya ni Gillian. Kung hindi lang daw kay Gillian, hahayaan na raw niya ang mga magulang niya. KUng daw sisisihin ni Mike ang mga magulang niya, siguradong siya na naman ang sisisihin nila.

Kalimutan na lang daw ni Mike ang nangyari. Ayaw pumayag ni Mike, pinaalala niya ang sinabi niya kay Gillian na mananagot ang dapat managot…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: