Margarita, Episode 9

by

Ibinalita na ni Margarita sa pamilya niya ang pag-alis niya patungong Japan. Nagsinungaling siya at sinabi niya kay Magda na wala siyang babayaran.

Nalulungkot na nakipag-inuman si Rodrigo kay Didith. Dumating ang tatay ni Rodrigo at sinabing natutuwa siya sa desisyon ni Rodrigo na mag-Police Academy. Nagtaka naman si Rodrigo. Si Margarita pala ang nagsabi sa tatay niya na nagpu-pulis na siya.

Ayaw siyang paalisin ni Rodrigo. Pero sinabi ni Margarita na kailangan niyang gawin ito at gusto sana niyang patuloy pa rin silang magkaibigan ni Rodrigo. Noong gabi bago siya umalis, binigyan niya ng pera ang mga kapatid niya at huwag daw ipapakita kay Magda. Luhaang nagpaalaman sina Rodrigo at Margarita kinabukasan.

Nakarating na sa Japan si Margarita, nakilala niya si Duday (Desiree del Valle) sa bus na sinasakyan niya. Sa club, pinagalitan siya ng isang Hapon, pinapalit nito ang suot niya sa mas revealing na damit. Umiiyak si Margarita at sinabing hindi yata niya kaya ang ginagawa nila. Sagot naman niya, hayaan na niyang tsansingin siya, tutal hindi naman nila makukuha, at least makakaipon siya ng maraming pera at makakauwi na siya agad.

Tumawag si Margarita sa bahay nila habang pinapagalitan ni Magda sina Robbie at Gabby.

Naiiyak naman si Margarita, pero sinabi niya sa mga kapatid na maganda ang kalagayan nila.

Pinapalakas naman ang loob ni Duday ang loob ni Margarita. Sinabi niya dito ang mga naipon na niyang mga pera, at mga kapatid na napagtapos niya. Maki-ayon na lang daw muna siya sa agos, dahil daw pag-uwi niya ng Pilipinas, mayaman naman siya at wala ng aapi sa kanya.

Habang nakasakay sa bus, pinagmamasdan ni Margarita ang P50 na ibinigay ng tatay niya sa kanya noong pinuntahan niya ito noong bata pa siya para sabihing may cancer ang nanay niya. Ginamit niya ang galit na nararamadaman niya sa tatay niya para makapagperform ng maayos. Nagustuhan naman ng mga customers ang pagkanta niya at binigyan siya ng mga pera…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: