Ysabella, Episode 33

by

Nagseselos na nakamasid si Mito habang nagkukumustahan sina Ysay at Andrew. Makikipagkamay sana si Andrew kay Mito dahil hindi niya agad napansin na nakabenda pa ang mga kamay ni Mito. To break the ice, sinabi ni Ysay kay Andrew na nagpropose na sa kanya si Mito. Malungkot na binati ni Andrew sina Ysay at Mito.

Noong i-declare na sina Trining at Perry as husband and wife, sabay na tinignan nina Mito at Andrew si Ysay habang pumapalakpak sila. Sinusundan pa rin ng mga tao nina Victoria at Homer si Jordan. Pinasundan ni Victoria si Andrew sa kasal na pupuntahan nito dahil siguradong si Andrew lang ang tatakbuha ni Lima.

Sabay-sabay na kumakain sina Mito, Ysay, Andrew, at Alex. Walang kibo si Mito sa masayang pagkukwentuhan ng tatlo. Ayaw magpasubo ni Mito ng pagkain, sinubukan niyang uminom pero natapon lang sa kaniya ang tubig.

Umalis si Mito, na agad namang hinabol ni Ysay.

Sinabihan ni Andrew si Lima na mag-ready na siya dahil pagkatapos ng kasal aalis na sila. Tumawad naman si Lima, gusto kasi niyang hintayin muna si Jordan. Pumayag naman si Andrew.

Nag-aaway sina Mito at Ysay.

Malungkot na pinagmamasdan ni Ysay ang mga bisitang nagsasaya sa kasal. Niyaya siyang sumayaw ni Andrew. Pinipicture-an ng imbestigador habang sumasayaw sina Andrew at Ysay. Bakit daw ba kasi pilit na pinapataas ng mga lalake ang mga ego nila. Sabi ni Andrew sabi nito na kung siya ang mapapangasawa niya okay lang na mas sikat si Ysay, mas successful, kasi daw…kasi…marunong daw siyang magluto.

So akala ni Ysay, biro lang talaga ang mga piangsasabi nito. Sabi ni Ysay, namiss daw niya
at ito, at bukod kina Alex, Perry, at Trining, siya daw ang pinagkakatiwalaan niya. At niyakap niya ito.

Naglalasing si Mito (at ngayon hindi na niya nabitawan ang baso niya?). Dumating si Georgia. ipinakita niya ang mga pictures nina Andrew at Ysay habang nagsasayaw sila.

Galit si Mito kay Georgia, how many times did e have to tell her daw to leave them alone? Sinabi ni Georgia na iiwan rin siya ni Ysay. Get out of my house daw sabi ni Mito. Nasaan daw si Ysay, sabi ni Georgia, habang nagmumukmok ito, nasa piling ng iba si Ysay. Pinalayas pa rin siya ni Mito.

Naabutan ni Jordan si Mito na nagwawala. Nakabihis na si Lima noong naabutan ni Alex sa kwarto. Niyaya siya nitong samahan sila ni Ysay sa baba para magsaya.

Nakatanggap ng tawag si Ysay mula kay Jordan at sinabing nagwawala nga si Mito. Sinamahan siya
ni Andrew sa bahay nina Mito. Nakita ng tauhan ni Victoria si Lima noong bumaba ito kasama si Alex.

Nagalit si Ysay dahil akala niya pinasusundan siya ni Mito. Nagseselos si Mito kay Andrew. Iniwan daw siya nito, ano raw ang gagawin niya? Natural daw na magsaya siya dahil kasal ito ng mga mahal niya sa buhay. Bakit daw nagawa niyang magsaya kahit na iniwan siya nito or baka naman daw hinihintay lang daw ni Ysay na umalis si Mito para makapagsaya na siya.

Kung alam lang daw ni Ysay na magiging ganito siya sana si Andrew na lang daw ang minahal
niya. Muntik na siyang nasampal ni Mito. Pinalayas ni Mito si Ysay. Pareho silang luhaan.

Siempre shoulder to cry on si Andrew. Pagod na pagod na raw si Ysay…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 33”

  1. fallinsun Says:

    Sana magka-ayos na si Mito at si Ysay, coz mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Sa totoo nga lang parang mas bagay sila kaysa kay Andrew. Mito is very manly and can protect and defend Ysay. Well, sana lang, sila na lang magkatuluyan not that I don’t like Andrew (Ryan), mas bagay lang si Mito at Ysay. PEACE!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: