Walang Kapalit, Episode 78

by

Huwag daw sila doon mag-usap sabi ni Cynthia sa doctor.

Nag-uusap sina Ceding at Moody at sinabi ni Moody na ang bibigat daw ng mga problema nila. Ang problema daw ni Moody, wala siyang love life. Siya daw ang may pinakambigat na problema sa kanila dahil daw sa taong minamahal ka humuhugot ng lakas. Naiyak si Moddy dahil wala daw nagmamahal sa kanya. Sinabi naman ni Ceding na may nagmamahal sa kanya. Mahal daw niya si Moody bilang isang kaibigan.

Sinabi ni Cynthia kay Victor na pumapayag na itong mag-ampon sila, pero wala dapat makakaalam at lilipat na sila sa Australia para mamuhay ng tahimik.

Nag-aalala naman si Melanie sa napipintong paghihiwalay nila ng anak niya pagkapanganak niya dito.

Maraming trabaho si Noel at baka idemanda siya ng mga kliyente niya kung hindi pa niya gagawin ang mga ito. Hindi pa niya naiaayos ang kaso ni Melanie (ano siya, lawyer?) Sinabi ni Ceding na sila na ang bahala kay Melanie. Basta gawin na lang niya ang mga dapat nitong gawin.

Hinintay ni Anton si Vanessa dahil namimiss na niya ito. Siguro daw kung nasundo niya ito noong gabing muntik na siyang ma-rape baka sila pa. Kalimutan na raw niya iyon. Hindi nito tinanggap ang offer nitong paghatid sa kanya dahil ayaw muna nitong umasa sa iba, for now.

Inoffer ni Cynthia ng P5M ang doktor ni Melanie para lang ipalabas na patay ang anak ni Melanie at mapupunta sa kanya ang bata. Ayaw pumayag ng doktor dahil kapag anhuli daw ito hindi lang siya matatanggalan ng lisensiya, makukulong pa raw ito. Wala naman daw lihim na hindi nabubunyag. Wala daw itong access kay Melanie dahil hindi naman siya ang OB-Gyn ni Melanie. Inoffer siya ng P3M ni Cynthia para lang ipakilala nito si Cynthia sa OB-Gyn ni Melanie.

Dinalaw nina Moody at Ceding si Melanie. Para daw gusto na niyang hilingin sa Diyos na hindi na mangyayari ang panganganak niya, kasi magkakahiwalay daw sila ng baby niya. Sinabi ni Ceding na magtiwala daw ito sa Diyos. Sinabi naman ni Melanie na hindi naman kasi nito naiintidihan dahil hindi pa siya naging isang ina.

Nadulas si Moody at sinabi na niya na si Ceding ang tunay na ina ni Noel. Luhaang inamin ni Ceding na nabuntis siya ng ama ni Ariston (dati siyang sekretarya nito), kinuha ng mommy ni Ariston si Noel kay Ceding at ibinigay si Noel kina Ariston at sa asawa nito.

Bakit daw pumayag si Ceding na maging yaya nito? Iyon lang daw ang paraan para maalagaan niya si Noel. Sinabi ni Melanie na magtiwala siya sa Diyos at ito na mismo ang gagawa ng paraan para magkasama sila muli.

Pag-uwi ni Noel sa bahay, napansin niyang walang kibo si Ceding. Ayaw umamin ni Ceding, pero sabi ni Noel kilala niya ito kapag wala siyang kibo alam niyang may problema ito.

Para na rin daw niyang “nanay” ito, ano ba raw ang problema…?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: