Natutulog ba Ang Diyos? Episode 18

by

Punagbubugbog si Andrew ng mgg hindi kilalang kalalakihan. (Bakit nila iniwan iyong kotse? Geez.)

Pinagalitan ni Patria si Tina at pilit pinag-eempake ito. Sasampalin na sana niya ito noong sinabi ni Tina na bakit daw, kapag hindi ba siya sumunod siya naman ang ibubugaw niya?

Sinabi ni Mark kay Boy na nakita na nila si Gillian. Nagpasama si Boy kay Mark dahil gusto na niyang makita ang Ate Gillian niya.

Galit na rin si Tina kay Patria. Dahil baka sa susunod naman daw an magipit ito sa pera siya naman ang ibugaw niya.

Nagkita na sina Boy at Gillian.

Nag-iinuman sina Patria at Minerva. Sinabi ni Patria kay Minerva na galit na ang mga anak niya sa kanya. Nagkipagtoast si Patria kay Minerva, para daw kay “Tina, Boy, at Andrew.” Kinorek lang siya ni Minerva.

Pasuray-suray na naglalakad sa daan si Patria at nasagasaan ito ng sasakyan.

Sinabi ni Boy na sinundan niya si Patria sa club at nakausap nila ang isa sa mga lalaki doon at sinabing ibinenta siya for P25K ni Patria. Sinabi rin niya na pinag-eempake sila ni Tina ng Nanay nila. Ayaw na rin niyang bumalik kay Patria. Iminungkahi ni Mark na sabihin na nila lahat kay Mike, dahil alam nito ang gagawin. Ayaw naman ni Gillian dahil baka makulong daw ang nanay niya.

Dinala sa ospital si Patria.

Natunton na ni Bernardo si Mike, nagmumukmok ito sa opisina niya. Huwag da masyadong isipin ni Mike ang mga nangyari, pera lang daw iyon at siguradong makakahanap pa siya ng ibang partner. Hindi raw makapaniwala si Mike na nasaktan niya si Andrew, feeling daw niya failed parent siya. Gusto lang daw niyang maging responsable siya (Geez, he’s only 17). Umiiyak na sinabi ni Mike kay Bernardo na mahirap maging isang ama.

Naiisip naman ni Rose ang mga nangyari at umiiyak ito.

Kina Gillian na natulog si Boy. Natatakot na raw kasi itong umuwi. Nag-aalala naman si Gillian baka mapano lang ang kapatid niya dahil wala nga silang trabaho.

Pumunta si Minerva kina Bernardo para ibalitang nasagasaan si Patria.

Tinawagan ni Mark si Gillian para ibalita ang nangyari kay Patria.

May fracture sa hips si Patria, bali rin ang right arm nito. Kailangan pa nila ng tests kung kailangan niya ng surgery.

Nagpasiya ng umuwi si Gillian dahil nag-aalala ito kay Patria. Pinipigilan naman siya ni Boy dahil baka ito na naman ang sisihin niya.

Galit na si Rose kay Mike dahil hindi pa ito umuuwi.

Nagpaalam na si Gillian kay Karla. Panay paalala naman si Gillian a mag-iingat daw ito.

Naglalakad naman ang bugbog saradong si Andrew.

Binigyan ng pera ni Bernardo si Rose. Hahanapin daw muna nito si Andrew bago niya puntahan si Patria. Pinipigilan ni Bernardo si Rose dahil baka pagalitan siya ni Mike kung hindi niya ipagmamaneho si ROse. Dumating sina Gillian at Boy, nagyakap sina Rose at Gillian.

Kasunod nilang dumating si Andrew.

Tinanong ni Bernardo kung saan nanggaling sila Gillian at Boy…

4 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 18”

  1. Consuelo Says:

    How do you know that Andrew is 17? I just wanna know. Thanks.

  2. ptvj Says:

    um, kasi one time they mentioned gillian’s age, and di ba they were born the same day?

  3. Consuelo Says:

    Oh thanks a lot!🙂 I don’t think I heard them say that. By theway, I love reading your entries. The commentary is so funny!

  4. ptvj Says:

    i’m pretty sure that’s what i heard😆
    although i’m sure that gillian said that people won’t hire her and karla because they are “menor de edad.”
    thanks =P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: