Margarita, Episode 8

by

Galit na galit na hinarap ni Margarita si Magda at sinabing ginahasa siya ng lalaking pinakilala nito sa kanya. Nagsinungaling si Magda at sinabi nitong hindi niya alam na ganoon ang gagawin niya (really?). Gusto niyang magsumbong sa pulis pero pinigilan siya ni Magda dahil sigurado daw maraming koneksiyon ang lalaking iyon. At saka isipin na lang daw niya ang mga kapatid niya, ano na lang daw ang mararamdaman nila kapag nalam nila ang nangyari sa kanila. Bakit daw ba sa kaniya nangyayari ang mga ganitong bagay.

Umiiyak na pinagmamasdan ni Magarita ang mga kapatid niya at kinuha niya ang manika niyang si Lilet. (Ha, hindi man lang sila nagising sa mga palahaw niya?)

Tinanong ni Rodrigo kung bakit hindi ito sumipot sa date nila, hindi kumikibo si Magda so naisip ni Rodrigo na hindi ito natanggap sa interview. Nawawalan na ng pag-asa si Margarita, iniwan niya si ROdrigo sa kinauupan nila.

Walang mahanap na trabaho si Margarita, nagpunta siya sa isang recruitment agency papuntang Japan pero hindi niya afford ang placement fee.

Pinuntahan ni Margarita ang lalaking gumahasa sa kanya. Nabigla ang lalaki kung kaya’t tinawagan muna niya si Magda bago niya ito hinarap. Inalok niya si Margarita ng P20,000. Sinampal siya ni Margarita bago nito sinabing P100,000 ang kapalit ng katahimikan niya.

Mahirap daw talagang maghanap ng trabaho, sabi ni Magda. Gusto daw niya itong tulungan pero baka bastos na naman ang maipakilala niya. Umalma si Robbie, noong narinig niya ito. Pero dineny naman ni Margarita.

Kinabukasan pinamili ni Margarita ng mga bagong gamit ang mga kapatid niya. Tuwang-tuwa niyang pinagmamasdan ang paglalaro ng mga at kumain pa sila sa labas.

Nabigla si Magda sa dami ng mga pinamili nina Margarita. Sinabi ni Margarita na kay Didith ito nanghiram ng pera, nagdududa si Magda pero tumigil na ito noong nabigyan siya ng pera.

Tinanong ni Margarita si Didith tungkol sa pagdya-Japan. Binalaan naman siya ni Didith, dahil marami siyang naririnig sa mga kakilala niya na mahirap daw doon. Paano naman raw si Rodrigo. Nalaman ni Margarita kay Didith na hindi pa pumapasok si Rodrigo sa Police Academy dahil sa kanya.

Sinabi ni Margarita kay Rodrigo ang plano niyang pagpunta sa Japan. Tinanong ni Rodrigo kung saan niya kinuha ang perang pang placement fee para sa Japan, parang ibinenta daw niya ang sarili niya. Sinampal siya ni Margarita. Ayaw pumayag ni Rodrigo, mahal daw niya ito, pero bakit parang hindi siya kasali sa plano nito.

Kailangan daw itong gawin ni Margarita…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: