Ysabella, Episode 32

by

Pinalayas ni Victoria si Sofia (Why, doesn’t she still own 25% of the shares?). Tuloy daw ang party, sabi ni Victoria.

Noon lang napansin ni Victoria na wala si Lima. Pinahanap niya ito sa mga tauhan niya.

Kinukumusta ng daddy ni Georgia ang tungkol sa kanila ni Mito. Sabi ni Georgia huwag daw itong mag-alala dahil may ginagawa na siya.

Tinanong ni Mito kung hindi raw ba nagsasawa si Ysay sa pag-aalalaga sa kanya? Paano raw nito natitiis ang isang katulad niya? Tinawag niya itong sinungaling, huwag daw itong nagpapaka-santa at sinagi niya ang bago mula sa kamay ni Ysay. Sinabi ni Ysay na hindi raw titigil ang mundo para sa kanya, pero siya raw ititigil niya ang mundo niya para kay Mito.

Tinawagan ni Lima si Jordan habang tumatakbo ito papaalis. (Ayaw niyang magpunta sa Spain? Ako na lang😈 .) Hindi raw niya ma-contact si Andrew.

Humingi ng sorry si Mito kay Ysay noong papaalis na ito. Pinatawad naman siya ni Ysay. Nagyakap sila, nag-ring ang door bell, tumambad sa kanila si Victoria Amarillo. Hinahanap niya si Jordan, pumasok ito ng hindi invited.

Sinabi niya kay Mito na pagsabihan niya si Mito dahil kung may nangyari daw kay Lima, matitikman na nito ang bagsik niya. (At sample lang pala iyong ibang ginagawa niya…)

Hinintay nina Jordan at Lima si Ysay sa harap ng bahay nila. Nakiusap si Jordan kung pwedeng sa kanila muna tumuloy si Lima. Ipinakilala ni Ysay si Lima kina Alex at Trining, akala ni Trining siya ang inirereto ni Ysay para kay Alex. Doon sinabi ni Ysay na siya ang anak ni Victoria Amarillo.

Pag-uwi ni Jordan sa bahay, nakita niya ang sasakyan in Victoria. Sinabi naman ng mommy ni Jordan kay Victoria na hindi naman lumabas si Jordan. Pinatawag niya ito sa maid, at pa-inosenteng lumabas si Jordan mula sa kwarto at sinabing hindi niya alam kung nasaan si Lima at huli niyang nakita ito noong dinalaw niya ito at ipinagtabuyan siya ni Victoria.

Pumayag na rin sina Alex at Trining na doon muna si Lima, kasi kinunsensiya ni Ysay ang mga ito at sinabing walang ibang mapupuntahan si Lima. Kung hindi daw ito pupunta doon, sa kalye na lang siya matutulog.

Araw ng kasal nina Trining at Perry. Dumating si Andrew (na de-kotse pa), nakita siya ni Lima. Sinabi ni Andrew na isasama na lang daw niya si Lima sa Nueva Ecija. Tuwang-tuwang niyakap ni Lima ang kuya niya. Biglang pumasok si Alex sa kwartong kinaroroonan nina Lima at Andrew.

Humingi ng sorry si Alex dahil pinagamit ni Alex ang kwarto niya kay Lima.

Hiniram ni Alex ang dalang kotse ni Andrew as a bridal car kaysa naman daw mag-jeep sina Trining. Pumayag si Andrew at sinabing kaya daw niya nirentahan ito ay para gamitin nila.

Sinundo ni Ysay si Mito sa bahay nito. Nandoon din ang mommy ni Mito at siya ang nagbutones sa polo nito. Pagdating nila sa simbahan, kasunod nilang dumating ang bridal car.

Nakita ni Ysay si Andrew. Tumakbong pinuntahan niya ito at niyakap…

(Finally, kinilig din ako sa kanila…😈 .)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: