Walang Kapalit, Episode 77

by

Nakalipat na sina Elaine, Arnold, at Vanessa sa ibang bahay. Napakaliit ng bahay at marami pang sira-sira. Nalulungkot na tinitignan ni Arnold ang bawat sulok ng bahay nila. Kinumpara na naman ni Elaine ang buhay nila sa soap opera. Akala daw ni Arnold wala ng ibababa ang buhay nila, pero meron pa raw pala.

Galit na galit si Cynthia sa OB-Gyn niya dahil hindi pa siya buntis😆 . Magpapalit daw siya ng doktor, sabi naman ng doktor niya, pang-sampung OB-Gyn na niya ito at nasa Diyos din kung mabubuntis siya o hindi.

Pinuntahan ni Brian si Noel, pero sabi ni Noel ayaw na niyang ma-involve sa pamilya nila.

Sinabi ni Victor kay Cynthia na stressed out lang ito. Mg-ampon na lang daw sila if she wants a child that bad. Ayaw namang pumayag ni Cynthia.

Nalaman ni Melanie sa mga kasama niyasa kulungan na mapapawalay sa kanya ang anak niya kung may magkiclaim na kamag-anak dito.

Sinabi niya kay Noel ang nalaman niya. Sinabi ni Noel na sinabi na sa kanya ng lawyer niya at hindi niya ito sinabi kay Melanie ito dahil hindi siya naniniwalang magtatagal si Melanie.

Sinabi ni Brian kay Victor na dahil kay Cynthia, nasira ang friendship nina Noel. Hindi na raw niya alam kung tama pa ang ginagawa niya ng pagpuprotekta para kaya Cynthia. May dumating na bisita si Victor, kapwa niya doktor.

Pinag-uusapan nina Noel at Ceding ang napipintong panganganak ni Melanie at ang paghihiwalay nila. Sinabi ni Ceding na masakit ang mawalay sa anak, at lahat daw gagawin ng isang ina para lang hindi mawalay sa anak niya. Para daw alam ni Ceding kung ano ang nararamdaman ni Melanie. Sabi ni Ceding siya na raw kasi ang anak niya, at tuwing mapapawalay ito sa kanya ganoong sakit ang nararamdaman niya. Lalo na raw siguro kung galing sa sinapupunan mo sabi naman ni Noel.

Ang OB-Gyn ni Melanie ang friend ni Victor.

Kausap ni Noel ang abugado ni Melanie. Ginagawa niya raw ang lahat pero hindi niya maipapangako na hindi makakalabas si Melanie bago siya manganak. Dapat na raw nilang ihanda ang mga sarili nila na sa panganganak ni Melanie sa kulungan.

Cynthia overheard the doctor telling her friends about Melanie at ang situwasyon nito. Naniniwala daw ang doktor na inosente si Melanie at na-frame up lang ito. Sinabi ni Cynthia na mali daw siya at totoong guilty si Melanie.

Pinuntahan ni Cynthia ang OB-Gyn ni Melanie at sinabi nitong alam niyang malaki ang pagkakautang nito. May maitutulong daw si Cynthia…

4 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 77”

  1. Lani Says:

    Sinasabi ko na eh. Cynthia wants Melanie’s baby!!!!

  2. ptvj Says:

    masyado ng nagiging imposible ang plot nito, sana matapos na hehehe.

  3. fhia Says:

    Hindi ba pwede ang bata kay noel?
    bakit kailangan pa cyang mawalay sa ina nya. nanjan naman yung tatay?

  4. ptvj Says:

    nalilito din ako dun, e. baka iyong ikinalulungkot ni melanie is yung hindi niya makakasama iyong anak niya everyday. at saka siguro gusto niyang ma-experience iyong mga “normal” na naeexperience ng mga magulang like paggising ng madaling araw para sa bata, etc.

    although, they’re making it sound as if hindi automatically makukuha ni noel ang bata kahit siya ang tatay…grrr.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: