Natutulog ba Ang Diyos? Episode 17

by

Napansin ni Karla na walang kibo si Andrew habang nag-uusap sina Mark at Gillian kaya niyaya niya itong maupo sa labas. Sinabi ni Andrew kay Karla ang kapalpakang mangyayari sa party ng kumpanya ni Mike.Nalaman na ni Mike na mukhang wala silang kakainin sa party.

Pinag-uusapan nina Karla at Andrew ang mga magulang nila at sinabi ni Karla na maswerte si Andrew sa mga magulang niya. Sutil lang daw talaga siya, kung siya ang nanay nito, tsitsinelasin daw niya si Andrew. Natawa naman si Andrew sa sinabi ni Karla. Nakita ni Mark na pinagmamasdan sila ni Gillian.

Galit na galit na si Mike, dapat daw hindi na raw ito nakinig kay Rose. Hindi daw niya alam ang gagawin niya kay Andrew kapag nakita niya ito. Tinatawagan ni Rose si Andrew pero hindi ito sumasagot.

Nagselos si Andrew noong nagpapaalaman sina Mark at Gillian. Akala daw nila hindi na sila magkikita. Awwwwww…

Tinatanong ni Trish kay Emma kung darating si Mark. Nag-order na lang ng Chinese food sina Mike pero hindi pa dumaratimg, nagalit si Mr. Crisostomo at niyaya na niyang umalis si Trish.

Nagalit si Andrew dahil hindi nagconfide si Gillian sa kanya. Sinabi kasi ni Gillian lahat ng nangyari sa kanya kay Mark.

Ayaw papasukin ni Bernardo si Andrew dahil alam niyang galit si Mike. Nagpumilit si Andrew, sinalubong siya ng suntok ni Mike. Pinagalitan ni Emma si Mark dahil hindi niya sinipot si Trish.

Tinatanong ni Gillian kay Karla kung bakit ganoon ang trato ni Andrew sa kanya. Sinabi ni Karla ang tungkol doon sa party, sinabi naman ni Gillian na lagi namang palpak si Andrew. Ang sabi ni Karla, si Gillian daw ang dahilan kung bakit hindi wala ng ibang naasikaso si Andrew kung hindi ang paghahanap nito sa kanya.

Nagkasundo na sina Bernardo at Patria na sasabihin na nila kay Andrew ang totoo nitong pagkatao.

Gusto ng umuwi ni Tina para makita ang party kina Mike. Nakausap nila ni Boy ang isa sa mga tauhan ni Minerva at dito nila nalaman na ibinugaw ni Patria si Gillian at ang dahilan nito ay ang P25,000 na ninakaw ni Tina sa nanay nila. Siguro naman daw nakukunsensiya na siya sabi ni Boy. Hinarap ni Boy si Bernardo sa nalaman nila. Dineny naman ito ni Bernardo.

Hinahanap ni Patria sina Boy at Tina.

Pinahanap ni Rose ang mag-ama niya kay Bernardo. Nasa opisina si Mike at hindi niya sinasagot ang mga tawag sa cellphone niya. Nakatulog si Andrew sa kotse niya, hinila siya at piangsusuntok ng 2 lalake…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: