Ysabella, Episode 31

by

Naghihintay pa rin sina Ysay. Pilit na nalalaban si Mito, pero wala pinagbubugbog at dinurog pa ang mga kamay.

Ibinigay ng isa sa mga goons ang engagement ring na dala ni Mito kay Georgia. Kinumusta niya si Mito at nalaman nito na dinurog nila ang mga kamay nito. Hindi naman daw nito inutos na gawin nila iyon, pero ang sabi ng goon sinabi niya na gusto niyang makaganti.

Habang naiinip na naghihintay sina Ysay at Alex, pinag-uusapan nila ang tungkol sa “kasal” nila ni Mito. Nagbibiruan pa sila. Naisipang tumawag ni Ysay kay Mito at nakausap niya ang nurse na tumitingin kay Mito.

Sumugod sa ospital sina Ysay at Alex. Humihingi ng tawad si Mito kay Ysay dahil hindi ito nakapunta. Sayang daw at hindi niya nakita ang singsing na binili nila ni Alex. Tinanggap ni Ysay ang proposal ni Mito (habang nakaratay ito sa kama). Nevermind the ring na raw, sabay pakita ni Ysay sa singsing na binili ni Mito para sa kanya noon habang naglalakad sila sa tabing dagat.

Kailangan pa raw ng mga tests, pero may nerve injury na si Mito. It’ll take time daw ang treatment niya. Worst case scenario daw hindi na gagaling ito.

Sinusungitan ni Mito ang nurse niya. Dumating si Ysay at sinabi ng nurse na mainit na naman ang ulo ni Mito. (Isang buwan na ang nakakaraan at this scene since the accident) Kahit si Ysay, pinagusungitan ni Mito.

Puring-puri ni Sofia si Homer sa mga perang ipinasok niya sa Florencia’s. Ito na ang may-ari halos lahat ng shares ng Florencia’s at 25% na lang ang kay Sofia. She can’t wait daw until they get married.

Tuwang-tuwa si Victoria noong ibinalita ni Homer sa kanya ang mga nangyayari. Maghanda daw si Phuket dahil sa kanila na ulit ang Florencia’s.

Nagrereklamo ang landlady nina Ysay dahil hindi pa nila nababayaran lahat ng utang nila. Inuna pa raw kasi ang kasal. Sabi naman ni Alex, lahat ng mga preparasyon sa kasal ay courtesy of their friends. Walang kibo si Trining dahil dinibdib niya ang sinabi ng landlady nila, pero napasaya rin ito ni Alex.

Pinupuna na ni Alex si Ysay dahil masyado na itong napapagod dahil hinahati niya ang oras niya sa trabaho, sa bahay nila, at kay Mito. Sinabi niya “sa hirap man o sa ginahawa… .”

Pinagluto ni Lima si Victoria ng pagkain. Pero wala amn alng sinabi si Victori tungkol dito. Sinabi nito ma maghanda daw siya dahil pupunta sila sa enagement party nina Sofia. Nag-ring ang door bell.

Si Jordan ang nag-door bell. Natatarantang pinapaalis na siya ni Phuket. Nabigla naman si Lima noong nalaman niyang nandoon si JOrdan. Hinarap siya ni Victoria at pinaalis niya ito, dahil masamang impluwensiya daw siya kay Lima.

Inakusahan nito si Lima at ang mga staff niya na pinapapasok nila si Jordan kapag wala siya. Ipapadala raw niya si Lima sa Spain, kasama ang Kuya Albert niya. Iyak ng iyak si Lima. (Ako na lang ang dalhin niyo sa Spain!!!)

Pinuntahan ni Georgia si Mito, pero dinedma lang niya ito.

Hindi na-iimpress ang boss nina Ysay (daddy ni Georgia) para sa concept ng bago niyang show.

Sige pa rin ang pag-aalaga ni Ysay kay Mito. Nagkita sina Jordan at Ysay sa bahay ni Mito. Inimbitahan ni Ysay si Jordan sa kasal nina Trining at Perry. Nagpasalamat si Jordan sa pag-aalagang ginawa niya Ysay kay Jordan. Sana raw habaan pa niya ang pasensiya niya kay Mito. Gusto naman daw ni Ysay ang ginagawa niya at wala siyang dapat ipagpasalamat. Hindi nila alam narinig ni Mito ang pinag-usapan nila.

Engagement party nina Sofia at Homer. Nagpunta si Victoria para sabihing siya ang may-ari ng corporation na bumili ng shares ng Florencia’s. Umamin na rin si Homer, sinampal ni Sofia si Homer. Victoria will never be an Amarillo daw sabi ni Sofia, sinampal siya ni Sofia at sinabing patas na raw sila sa pang-aalipustang ginawa nila dito.

Umalis si Lima habang nangyayari iyon.

Tawa ng tawa si Victoria…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 31”

  1. nawawala Says:

    t*nginang tawa yan o!! (ni victoria) kairita!

  2. ptvj Says:

    haha, naiisip ko baka nakalunok na ng bangaw si connie reyes sa kakatawa niya😆

  3. barbie Says:

    Hi!!!!!!!!uztha n ???kwawa nman c andrew namaty…..huhuhu…..sna mabuhay uli c andrew ka2ld ky gerald s sna mault muli./……..cge…….bye bye

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: