Walang Kapalit, Episode 76

by

Oo, ngayon ko lang nalaman ang episode number nito…😆

Nashock sina Melanie sa kasinungalingang pinagsasabi ni Elaine sa witness stand.

Paglabas ng korte, dinumog ng mga reporter si Melanie at pilit na tinatanong kung totoo ang mga paratang ni Elaine.

Inassure ni Noel si Melanie na hindi naniniwala si Noel kay Elaine. Sinabi ng abugado ni Melanie kay Noel na kinausap siya ng judge at sinabing ayusin nila ang kaso dahil nakasakit sa kanila ang testimonya ni Elaine. (As if naman na pwedeng gawin ng judge `yun🙄 ). Gagawin daw nila lahat ng makakaya nila.

Pinuntahan nina Ceding at Moody si Melanie sa kulungan. As usual, pinanghihinaan na ng loob si Melanie, naubos na raw ang tapang niya. As usual, cheerleaders na naman sina Moody at Ceding para sa kanya. Sabi ni Moody, hindi bale daw, not guilty sigurado ang hatol sa kanya.

Judgment day na. Ang verdict: GUILTY. Life imprisonment.🙄

Nagyakap sina Elaine at ang prosecutor. Nagyakapan naman sina Melanie, Noel, Moody, at Ceding habang nakatanaw sina Elaine at Arnold. Medyo mukhang nakonsensiya naman sila noong nakita umiiyak ang partido ni Melanie.

Inihatid na nina Noel, Ceding, at Moody si Melanie sa kulungan.

Nasa kulungan na si Melanie –nagdidilig ng halaman, naglilinis, etc. Naaalala rin niya ang mga nakaraan nila, lalo na ang mga panahon na sinagip niya ang buhay ni Melanie, noong magkita sila for the first time mula noong bumalik si Melanie mula sa US, pati na ang kasal nilang dalawa.

Dinadalaw nila NOel, Ceding, at Moody sa preso.  Huwag daw mag-alala si Melanie, sabi ni Noel. Ginagawa daw niya ang lahat para mailabas niya si Melanie bago ito manganak. Ayaw daw niyang umasa.

Tama na daw ang drama, sabi ni Ceding. At nagsalo silang kumain…

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 76”

  1. glynisse Says:

    maganda naman panuorin ang walang kapalit araw araw naminh tinututukan itong teleserye

  2. diana Says:

    dapat walang katapusan ung walang kapalit you know

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: