Natutulog ba Ang Diyos? Episode 16

by

Nagsinungaling si Andrew at sinabing nagawa na niya ang pinagagawa ni Mike.

Pamasok ito sa kwarto, binuksan niya ang cabinet niya at kinuha ang stuffed toy ni Gillian at kinausap ito na parang si Gillian, sabay sabing he’s glad she’s okay at hinalikan niya ito. Awwww…

Hindi pa rin sumusuko si Boy, hinahanap pa rin niya ang Ate Gillian niya. Tinutulungan siya ni Michelle, ang waitress na naging kaibigan niya.

Tinanong ni Rose si Boy kung bakit hindi niya kasama si Gillian. Natuwa naman si Boy dahil nalaman niya na nasa Bulacan si Gillian. Pero hindi pa rin nito sinabi ang totoo.

Habang naghahanda ng mainit na tubig si Gillian para at least mainitan ang mga sikumura nila, may kumatok sa pinto. Binuksan nila ito at walang tao pero may mga bags of groceries.

Sinabi ni Patria na kailangan siguro na ilayo muna niya sina Boy at Tina sa mga kamag-anak nila dahil masyado ng napapalapit si Boy at baka siya pa ang magkanulo sa kanila.

Nanghihiram ng pamasahe nina Boy at Tina papuntang Aklan si Patria kay Minerva. Nalaman ni Patria na naglayas din si Karla, naisip niya na baka magkasama sila ni Gillian. Lumabas sila club at sumakay ng taxi. Nakita sila ni Boy at hahabulin sana niya ang mga ito, pero hindi sapat ang pera niya.

Ayaw tanggapin ng caterer ang menu ni Andrew dahil gahol na raw sa oras.

Kay Andrew daw siguradong galing ang mga grocery sabi ni Karla. Bakit naman daw siya magtatago, sabi ni Gillian. Para daw hindi niya  ito mabuko na may gusto ito sa kanya. Nag-ring ang phone ni Karla, si Heidi ang tumawag at sinabing pinilit si ni Minerva para sabihin kung saan nagpunta si Karla at papunta na ito ngayon sa tinitirhan nila.

Nag-empake sina Gillian at Karla at tumatakbong paalis sa bahay nila. Kinailangang bumalik ni Karla para i-check ang pintuan kung naka-lock ito. Naabutan siya nina Minerva at Patria.

Nagpumiglas na umalis Karla. Hindi na siya hinabol nina Minerva at Patria.

Sinabi ni Andrew kay Mark ang problema niya tungkol sa catering. Padaan si Tina, binusinahan siya ni Andrew at nabitawan niya ang cellphone ni Tina. Nagreklamo si Tina pero sinungitan lang siya ni Andrew.

Naglalakad papaalis sina Karla at Gillian. Hindi nila alam ang gagawin nila, baka daw balikan sila ng mga ito lalo na at alam nila kung saan sila nakatira. Hindi naman sila makalipat dahil wala na silang pera.

Bumalik sa club sina Patria at Minerva. Naghihingahan sila ng sakit ng loob. Ang sakit daw pala ng pakiramdam pag itinakwil ka ng sarili mong anak, sana raw mabawi niya ang loob ni Karla, sabi ni Minerva. Habang sinasabi niya ito naisipi ni Patria sina Andrew, Tina, at Boy. Sa isip niya, binabantaan niya si Rose, ipinanganak lang daw itong mayaman, hintayin daw nitong  bumaliktad ang mundo nilang, hindi na ito makakabangon.

Nag-aalala si Boy dahil hindi naman daw naglalasing ang nanay nila. Sinisi naman ni Tina si Gillian. Mahirap daw hanapin ang taong nagtatago. Dumating si Patria at sinabing mag-empake na sila dahil aalis sila pagkatapos ng party. Hindi daw niya sinabi kung saan sila pupunta.

Dadalawin nina Mark at Andrew si Gillian. Sinita ni Andrew si Mark dahil mala pa itong mga tsokolate kay Gillian.

Nagmi-meeting sina Mike at ang staff nito at sinabi niyang pagkatapos ng party, magbabakasyon daw sila dahil malaki ang kikitain ng kumpanya nila. Dinala ni Boy si Tina sa club na pinuntahan ni Patria. Baka daw nandoon pa si Gillian. May lumabas na babae, kaya sabi ni Tina magtanong daw sila. Sinungitan lang sila nung babae.

Pagbukas ng pintuan ni Gillian, nakita niya si Mark at niyakap niya ito habang nakatingin ang nagseselos na si Andrew. Awwww…

3 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 16”

  1. hEaVEn Says:

    awwww… this series was extended daw at parang bumabgal ang kwento but what the heck… i still watch (and read)it!

  2. ptvj Says:

    ya, i also read somewhere na nagrerate daw kasi.

    nakakakilig kasi ang mga bida😆

  3. diana signey Says:

    ganda ni jillian

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: