Margarita, Episode 6

by

Binabawalan ni Rodrigo si Margarita noong nakita niya itong naliligo sa batis. Hinubad nito ang t-shirt niya at ipinasuot kay Margarita kaya nagalit ang mga namboboso dito.

Masama pa rin ang trato ni Magda sa kanilang magkakapatid. Gusto ng umalis ng mga kapatid ni Margarita pero hindi pa raw sapat ang kinikita niya bilang tindera ng sapatos, at nag-aaral pa raw ito. Kapag nakatapos na siya, makakahanap na siya ng magandang trabaho at makakabili sila ng magandang bahay, pero isasama pa rin niya si Magda.

Ang dami daw niyang plano, sabi ni Rodrigo. Kailan naman daw ito mag-aasawa? Wala pa raw sa isip niya iyon.

Hanggang ngayon naniniwala si Margarita na buhay pa ang kapatid nilang si Gelly. Nagdasal ito na sana balang araw magkita pa rin sila.

Sinabi ni Rodrigo sa kapitbahay nilang GRO na si Margarita ang dahilan kung bakit hindi pa ito pumapasok sa Police Academy dahil hinihintay niyang mag-college si Margarita para kung saan ito, doon siya papasok. Para daw maprotektahan niya ito.

Dinala ni Rodrigo si Margarita sa balkonahe kung saan sila naglalagi nong bata sila. Akala niya nannigarilyo si Rodrigo, hindi nito alam ginamit lang niya ito para sindihan iyong “I Love You” sa ground. (It’s actually cute!)

Sa halip na kiligin, nagalit si Margarita. At sinabi nitong hindi pa ba natuto si Rodrigo sa mga heartaches ng mga magulang nila. Binasted niya ito.

Nakipag-inuman si Rodrigo kay Didith (the GRO frined). “Nanghiram” ng GRO si Margarita kay Didith para pagselosin si Margarita.

Sinabi ni Magda na may napakiusapan daw ito na kakilala at may job interview ito. Ubod ng laki ng pasalamat niya kay Magda, pero dinedma lang ni Magda si Margarita.

Sa sobrang tuwa ni Margarita, ibinalita niya ito kay Rodrigo at nagyakap sila. Nakita sila nung GRO na “girlfriend” kuno ni Rodrigo. Nagalit ito at sinabunutan si Margarita.

May ikinukwento si Carding kay Rodrigo tungkol sa iniimbestigahan nilang mga tao. Pero nagdi-day dream lang itong si Rodrigo.

Nagkita sina Margarita at ang “syota” ni Rodrigo kasama ang mga kapwa niya GRO…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: