Margarita, Episode 5

by

Nasa ospital na si Gary dahil nakagat ito ng aso sa binti niya. Pinagalitan siya ni Magda at sinabing pro na lanag kamalasan ang dala nina Margarita.

Ayon kay Carding, hindi nila pwedeng sampahan ng kaso sina RObert dahil trespassing ang ginawa nito.

Pumunta sina Margarita at Rodrigo sa bahay nina RObert at sigaw ng sigaw ito. Pero nalaman nila mula sa kapitbahay na umalis na sina Robert at sa Amerika na sila maninirahan.

Tinanong ni Gary kung ano ang gusto ni Margarita sa birthday niya. Sinabi ni Margarita na kahit ano okay lang. Sinabi nito na may birthday wish siya pero mahal ito kaya pag-iipunan muna niya.

Hindi alam ni Margarita, nagpaplano ng surprise party sina Gary at Rodrigo. Sa trabaho naman, tinanong ni Gary ang boss niya kung pwede niyang utangin ang isang manika (na gusto ni Margarit pero hindi niya alam iyon), at kung pwedeng iawas na lang sa sweldo niya. Bago palang daw siya sa trabaho pero bumabale na siya. Pinagtawanan pa siya ng anak ng boss niya at sinabing wala naman siyang pakinabang. Pinaalis na siya ng boss niya.

Nawawala ang manikang inuutang ni Gary at siya ang pinagbibintangan.

Sa surprise party ni Margarita, silng dalawa palang ni Margarita. Hindi agad nakarating si Gary. Pero pagdating nito, dala niya ang manikang gusto nito. Natutuwa naman si Margarita at sinabing may bago na siyang “Lilet” (iyon ang pangalan ng dati niyang doll na napilitan niyang ibenta noong iniwan sila ng tatay niya). Nalaman ni Gary na hindi ito ang birthday wish niya kung hindi isang wheel chair para kay Gary. Pakiramdam daw ni Margarita, siya ang totoong ama nila kahit hindi naman siya talaga ang tatay nila. “Tatay” na ang itinawag sa kanila.

Nasundan si Gary ng anak ng boss niya at ng iba pa nilang mga tauhan. Pinagbubugbog nila ito. Dumating sina Margarita at Rodrigo…namatay na si Gary.

Pinalayas ni Magda sina Margarita at ang mga kapatid nito. Wala silang matutuluyan kaya bumalik sila kay Magda at lumuhod ito sa harap niya at nakikusap na tanggapin niya ang mga ito. Kahit ano raw gagawin niya. Walang kibong iniwan na lang ni Magda na bukas ang pintuan nito naupo sa isang silya.

Sabi ni Rodrigo dapat sana sa kanila na lang sila nagpunta. Pero sabi ni Margarita, pabigat lang sila doon. At least kina Magda makakatulong sila sa tindahan.

Tumanggap ng mga labada si Magda at sina Margarita at Robbie ang pinaglalaba nila. Masama pa rin ang trato niya sa mga ito. Sinasaktan niya pag hindi okay ang paglalaba nila, pinapatay niya ang ilaw kahit na hindi pa tapos gumawa ng homework sina Margarita at Robbie kaya kandila na lang ang ginagamit nila, etc.

Dahil lagi na lang daw malungkot si Margarita, dinala siya ni Rodrigo sa batis at nagbasaan sila doon.

At lumitaw na sina Wendy at Bruce…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: