Ysabella, Episode 30

by

Nabigla si Alex ng sinabi ni Mito na yayayain na niyang magpakasal si Ysay at dit niya unang hiningi ni Mito ang kamay nito.

Nakipagkita si Phuket kay Jordan sa simbahan.

Isinama ni Mito si Alex para mamili ng singsing, siya ang tagasukat nito. Akala ng saleslady sila ang magboyfriend. P400,000 ang halaga ng napiling singsing ni Mito. Sinabi ni Mito na kailangang isama ni Alex si Ysay sa lugar na kung saan ito magpopropose.

Nag-madre in disguise si Phuket noong nakipagkita siya kay Jordan. Iniinspeksyon ni Phuket ang mga pasa ni Jordan ng biglang may dumaan na 2 madre, akala ng mga ito minomolestiya ni Phuket si Andrew.

Kinumusta ni Victoria ang pinapagawa niya kay Homer. Ngayong gabi daw mapagdidisisyunan ang lahat, sagot naman nito.

Sinabi ni Lima na mula bata ito at pinagalitan ni Victoria dahil nakipaglaro siya sa putikan with her friends, hindi na niya ito sinaway. Kaya lang daw siya naglihim dito dahil natatakot siya dito. Kung ayaw daw niya sa pamamalakad niya umalis siya kagaya ni Andrew at kalimutan na raw niya na mag-ina sila. Hindi daw siya aalis, sabi ni Lima.

Hindi mapakali di Alex dahil hindi pa dumarating sina Ysay at Trining. Ayaw sumama ni Ysay kay Alex dahil baka saan na naman daw nito dalhin at pagod na raw siya. Hangga’t hindi daw sinasabi ni Alex kung saan sila pupunta, hindi daw siya aalis. Sinabi na ni Alex na mapopropose si Mito sa kanya. Bakit daw sinabi ni Alex, ayan hindi na tuloy ito sorpresa. Ano daw ang isusuot niya? Maghanda raw siya ng babagay sa isang P400K worth of singsing.

Nag-report na si Phuket kay Lima pero sinabi ni Lima na susundan daw muna niya ang mommy niya. Baka daw dumating ang panahon at maintindihan niya ito.

Dumating si Ysay (na hindi naman maganda ang damit, btw) at nadatnan niya ang isang dinner for two, candle light dinner at mga christmas lights sa paligid, even on the ground.

Papunta na si Mito, pero sapilitan siyang dinala ng mga kalalakihang sa isang bakanteng bodega.

Naiinip na sina Ysay (may violinist pa nga sa tabi niya) at Alex dahil isang oras ng late si Mito.

Pinagbubugbog si Mito at pinagpapalo ang mga kamay nito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: