Walang Kapalit, Episode 75

by

Si Melanie na ang nasa witness stand. Kino-cross examine siya ng prosecutor. Iginigiit nito ang galit na nararamdaman ni Melanie towards Ronald.

Tinatanong ni Victor si Cynthia kung bakit pa kasi nagdidikit kina Melanie. Nagalit si Cynthia sa kanya, what’s with the third degree daw. Hindi naman daw siya ang pumatay, pero bakit siya ang ini-interrogate niya.

Sinabi ni Brian kay Diane na bata pa raw sila, magkaibigan na sila ni Noel pero hind niya matanggap ang ibinibintang ni Noel kay Cynthia. Alam daw ni Diane na mahal ni Brian ang kapatid niya, pero alam din niyang alam ni Brian na may capacity si Cynthia na gawin ang ibinibintang ni Noel dito.

Dinalaw ni Noel si Melanie. Pinanghihinaan na ng loob si Noel, si Melanie pa ang nagbigay ng lakas loob dito at sinabi niyang alam niyang hindi siya ang pumatay kay Ronald.

Sinampal ni Elaine si Vanessa dahil sinabi nito na hindi mamatay tao si Melanie at sinabi niyang ito ang may kasalanan kung bakit nagkita sina Ronald at Melanie. Binisita ni Vanessa si Melanie sa bilangguan, humingi ito ng tawad sa mga nagawa ng pamilya nito sa kanya. Sinabi nito na handa itong tumestigo para sa kanya.

Hearing na naman. Tinawag na sa witness stand si Vanessa. Nag-object ang prosecutor, pero pinayagan na rin ito ng judge dahil sinabi ni Vanessa na naiipit kasi siya dahil kuya niya ang nabaril, tapos mommy pa niya ang nagdemanda.

Naniniwala daw si Vanessa na hindi mamamatay tao si Melanie, at kung nagawa man niya iyon ay para ipagtanggol ang sarili. Ikinuwento nito na matagal ng nanghihingi ng pera si Ronald kay Melanie at alam nitong masama ang intensiyon ni Ronald dahil kinailangan pa nito na gamitin si Elaine para lang mapapunta niya si Melanie sa condo para magkita sila. Sumigaw si Elaine at sinabing walang kwentang anak si Vanessa. Natuwa naman sina Noel, Ceding, at Moody.

Nasampal na naman for the second time, this time courtesy ni Arnold, si Vanessa. Sabi ni Vanessa sinusunod lang naman niya ang konsensiya niya. Inassure naman sila ng lawyer na unless makakahanap ng witness sina Melanie para magpatunay na hindi talaga ito ang pumatay kay Ronald, may laban pa rin ang kaso nila.

Si Elaine na ang nasa witness stand. Inamin nito na siya ang gumawa ng paraan para magkita sina Ronald at Melanie. Sinabi nito na noong huling magkita sina Melanie at Ronald sa condo na iyon, may nangyari sa kanila dahil “love nest” daw nila ang lugar na iyon…

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 75”

  1. nawawala Says:

    kinakabahan ako sa hatol.. hehehe.. kala mo naman mga totoong tao eh, no! =D

  2. ptvj Says:

    nawawala, bigla kang nawala, ah. hehe. ayan sinagot ko sa next entry ang comment mo🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: