Natutulog ba Ang Diyos? Episode 30

by

Hinahanap pa rin ni Boy si Gillian. Nakilala na siya nung waitress na si Michelle sa pinaglalagian niyang restaurant at isinuggest niya na ipaphotocopy niya ang picture ni Gillian at i-post sa may counter at baka sakaling may makakilala.

Tinanong ni Rose si Patria kung bakit hindi nito sinabi na pinagbakasyon nila si Gillian. Sana raw makabalik na siya bago ang party.

Nagugutom na sil Gillian, pero hindi na niya sinabi kay Karla. Nagpaalam si Karla, sinabi nitong may aasikasuhin lang siya. Akala ni Gillian, tototohaanin na ni Karla ang sabi nito na papasok na lang siya sa isang malapit na bar sa kanila kaya sinundan niya ito.

Naghihintay si Andrew sa kotse niya noong marealize niyang hindi pa niya naasikaso ang menu na pinagkatiwala ng daddy niya sa kanya.

Nasa photoshoot sa office ng daddy ni Andrew si Mark. Naiinip na ito kaya tinawagan niya si Andrew at sinabi niyang maganda raw ito pero it’s ont his type. Sinabi ni Mark na tulungan naman siya nitong maghanap kay Gillian. Hindi nito sinabi na makikipagkita siya kay Karla para mahanap si Gillian.

Dumating si Karla, kasunod si Gillian. Sa sobrang tuwa ni Andrew, nayakap niya si Gillian.

Sinabi ni Patria kay Bernardo na tumawag si Gillian kay Rose. Namumrublema na naman sila dawhil basang-basa na ang papel nila kay Andrew at natatakot sila na baka pati sina Boy at Tina, bumaliktad na.

Kinumusta ni Gillian ang mga tao sa kanila. Nalaman niya kay Andrew na hindi umaamin ang pamilya nina Gillian na naglayas ito. Sinabi ni Gillian na sinaktan siya ng nanay niya dahil nahuli siya ni Patria na sinasaktan si Tina dahil nalaman nitong siya ang nagnakaw ng P25K. Sinabi ni Gillian na sana huwag ng ipaalam ni Andrew kina Rose at Mike ang totoo.

Noong tinanong ni Andrew kung kelan babalik si Gillian, sinabi niya na baka hindi na raw siya bumalik. Tinanong ni Andrew si Gillian kung may kailangan ba ito o kung may maitutulong siya dito, pero umiling lang si Gillian.

Tinanong ni Gillian kung paano niya nacontact si Karla. Sinabi ni Andrew na dinala sila ng daddy niya ni Patria sa club at ipinakilala kay Minerva.

Sinabi ni Mark sa mommy niya na hindi niya ito mapipilit na magkagusto sa iba. Sinabi ni Emma na si Trish ang bagay sa kanya at hindi si Gillian.

Ah, eto ang kilig moments noong inihahatid na ni Gillian sa kotse niya si Andrew.

Gillian: …Kahit lagi pala tayong nag-aaway may malasakit ka rin pala sa akin…Miss mo na ako `no?

Andrew: Oo naman, miss kita…ahhh…ehh..namimiss kitang inisin at batuhan ng basketball mula kasi noong umalis ka tahimik sa bahay wala na akong kaaway…

Ang ganda na sana, kaso sinabi ni Gillian na ikumusta na lang siya kay Mark.

Nagpaalam na si Andrew kina Gillian at Karla. Dito narealize ni Karla na nakita niya si Andrew sa club dati.

Noong patulog na sila, tinanong ni Gillian kung bakit nakiapgita si Karla kay Andrew. Sinabi nito na manghihiram sana ito ng pera para pantawid kahit sa ilang araw lang, dahil walang wala na sila. Tinanong niys si Gillian kung nagseselos daw ito. Itinanggi naman niya. Ikinuwento niya dito na away-bati sila mula bata pa sila. Nagtataka nga ito kung bakit siya hinahanap. Tintutukso siya ng kinikilig na si Karla, ibig sabihin daw may mahalaga siya kay Andrew dahil hinanap pa niya ito.

Hindi daw bubuksan ni Minvera ang club hanggang wala si Carla. Tinanong niya si Heidi, ang pinakamalapit kay Karla sa club na iyon, pero itinanggi nito na may alam siya sa paglalayas ni Karla.

Dumating si Andrew sa bahay, tinanong siya ng daddy niya kung dinala na nito sa caterer ang menu…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: