Ysabella, Episode 29

by

Hindi tinanggap ni Ysay ang alok ni Sofia dahil kay Mito. At ayaw na rin sana niyang ipaabot pa kay Mito ang mga pinag-usapan nila.

Ayaw magdemanda ni Jordan against Victoria dahil baka si Lima daw ang pahirapan ni Victoria. Hindi na rin kay Mito titira si Jordan dahil galit na ang daddy nila kay Mito.

Sinabi ni Ysay na hindi pumayag si Sofia dahil sa schedule ng taping ng TV show ni Ysay.

Sinabi na ni Ysay kina Alex at Trining ang naging desisyon nila (Hay naku Ysay, never put your life on hold para sa isang lalaki).

May nag-cancel ng reservation sa Florencia’s dahil hindi raw masarap ang pagkain nila. Galit  na pinuntahan ni Sofia si Mito at tinanggal na niya ito sa trabaho. Nalaman rin ni Mito n nagpunta na si Georgia sa Florencia’s at sinabi niyang hindi talaga magaling si Mito. At nalaman rin niya na nagsinungaling si Ysay sa ibinigay nitong rason kung bakit hindi niya nakuha ang trabahong inaalok ni Sofia sa kanya.

Pinuntahan ng galit na galit na si Mito si Ysay. Sinabi nito na pinagmukha siyang tanga ni Ysay, yada…yada…yada.

Tuwang-tuwa si Victoria sa nangyayaring set-back ng Florencia’s. “It’s time for the kill” daw.

Galit na galit si Alex kay Mito dahil hindi nito naiintidihan kung ano ang ginive-up ni Ysay. Pati pangako ni Ysay sa nanay niya hindi niya ginawa dahil para sa kanya. Sabi ni Ysay, baka maayos pa nila ni Mito ito. Huwag na daw umasa si Ysay, kung si Andrew lang daw iyon siguradong maiintindihan niya si Ysay. Si Trining naman, sinabi niya na huwag daw itong mapapagod magmahal.

Nag-girl talk na naman sina Jordan at Mito. Nagsisisi si Mito sa mga sinabi niya kay Ysay. Sabi ni Jordan, ibaba na niya ang ego niya.

Gustong tawagan ni Ysay si Mito pero pinigilan siya ni Alex. Dapat daw marealize muna ni Mito kung gaano siya kaimportante. Nag-ring ang phone, si Alex ang sumagot.

Pupuntahan sana ni Phuket si Jordan pero nahuli siya ni Victoria (habang kausap niya si Albert ang kapatid nina Andrew at Lima). Sinabi ni Phuket na magsisimba daw siya. (Sabi ni Victoria, “Sige, magdasal ka ng masinsinan” — edi ba dapat mataimtim ang term na gagamitin niya?)

Sinabi ni Kuya Jeffrey Santos Burdoy(?) (iyong magsasaka na friend na ni Andrew), kung gusto daw niyang kalimutan ang mga tao sa nakaraan niya dapat daw pati SIM card nito itapon na. Ginawa naman ito ni Andrew.

Nagpunta si Georgia sa bahay ni Mito, pero wa-epek dahil si Ysay pa rin ang gustong makasama ni Mito at hindi siya.

Nagpunta si Mito sa bahay nina Ysay, sabi ni Alex wala raw siya at nagsimba sila ni Trining. Galit na galit na hinarap ni Alex si Mito at sinabi niyang nangako daw kasi ito sa puntod ni Rosario na ipagtatanggol niya si Ysay sa kahit sinong nanakit sa kanya.

Umiiyak na sinabi ni Mito na parang mamamatay daw ito sa sakit na nararamdaman niya sa mga sinabi ni Ysay. Naawa naman si Alex so niyaya na niya itong umakyat.

Sinabi ni Mito kay Alex na yayayain na niyang magpakasal si Ysay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: