Walang Kapalit, Episode 74

by

Nakausap na ni Melanie ang abugado niya (di ba divorce/annulment lawyer niya iyon, hindi naman siya criminal lawyer?), pineprepare niya ito para sa cross-examination. Dito nalaman ni Melanie na dalawang beses nabaril si Ronald. Ang fatal shot ay iyong sa pagkakabaril sa puso.

Kausap din ng pamilya ni Ronald ang abugado nila. Sinabi niya na maaring mapawalang sala si Melanie pag naatunayan nitong hindi siya ang bumaril ng pangalawang beses.

Hinala nina Ceding at Moody si Cynthia ang bumaril ng pangalawang beses kay Ronald.

Pinuntahan ni Brian si Cynthia, at pinapakwento ulit ang buong pangyayari sa pagkakamatay ni Ronald. Tinatanong nito kung ano ang motibo ni Cynthia sa pagdikit nito kay Melanie. Nagalit si CYnthia at pinaalis si Brian. Ipinakita rin kung paano niya tinakot ang batang nakakita sa pagbaril niya kay Ronald. Tawa ito ng tawa sa shower habang iniisip niya lahat ng pangyayari.

Sinabi ni Noel kay Brian na dalawang beses na nabaril si Ronald. Nagalit si Brian dahil sinabi ni Noel na baka si Cynthia ang bumaril kay Ronald.

Kausap muli ni Melanie ang abugado nito. Maghahanap daw sila ng witness.

Tinanong ni Brian si Cynthia kung siya ang bumaril kay ROnald. Of course not daw. Mag-empake na raw siya sabi ni Brian dahil isa siya sa mga prime suspect. Umalis na raw sila sa lalong madaling panahon.

Sinugod ni Cynthia si Melanie sa kulungan niya at galit na galit ito. Hindi na raw niya ito tutulungan kahit mabulok pa siya sa kulungan.

Araw na ng hearing. (Bakit nakaupo si Elaine sa tabi ng abugado)

Unang tumestigo si Elaine. Sinabi niya na siya nga ang tumawag kay Melanie in behalf of Ronald.

Pangalawa si Arnold. Sabi niya ikatutuwa sana nila na magkabalikan sila, if not naman maging magkaibigan lang sana sila. (Hello?! Kasal na siya sa iba ano ka ba)

Next to testify is Cynthia. Sinabi nito na sinungaling si Melanie. How dare she accuse her daw of something na siya ang gumawa…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: