Natutulog ba Ang Diyos? Episode 14

by

Pinuntahan ni Andrew si Patria para itanong kung nasaan talaga si Gillian. Sinabi ni Andrew na magsusumbong na siya sa mga magulang nila tungkol sa pambubugaw nila kay Gillian. Mangiyak-ngiyak na pinigilan ni Patria si Andrew, baka daw mapalayas sila doon. (Is it just me or nakaramdam din finally si Andrew ng lukso ng dugo towards Patria?)

Hinahanap na ni Mike ang menu na inassign niya kay Andrew. Dumating si Mr. Crisostomo, ang ka-deal nila sa project nila, at ang anak nitong si Trish.

Nahihirapang makahanap ng trabaho sina Karla at Gillian dahil menor de edad daw sila. Tinanong ni Carla kung may kilala si Gillian na pwedeng tumulong sa kanila. Si Mark daw sabi ni Gillian, pero nahihiya naman siyang humingi ng tulong. Napilit naman siya ni Karla, noong tatawagan na ni Gillian si Mark, bigla nilang napansin na nakabukas ang bahay nila. Nanakawan sila, lahat ng naipon ni Karla, nanakaw.

Nagpunta si Andrew sa club ni Minerva. Tinanong niya ang isa sa mga dancers kung bakit sarado ang club. Sinabi nito na aburido daw si Minerva dahil naglayas ang anak nitong si Karla. Ininterview ni Andrew ang dancer at itinanong kung bumalik doon si Gillian. Binayaran pa niya ito para ibigay nito ang phone number ni Karla sa kanya dahil siguro naisip niya na baka magkasama sila ni Gillian.

Iyak ng iyak si Karla dahil ng wala na silang pera. At sinabi niya kay Gillian na kung gusto nitong umuwi, okay lang. Sinabi naman ni Gillian na walang iwanan at ayaw na rin naman niyang bumalik sa bahay nila. Nag-ring ang cellphone ni Karla, si Gillian ang sumagot, si Andrew ang nasa kabilang line.

Binaba ni Gillian ang phone.

Nagtataka si Gillian kung paano nalaman ni Andrew ang cellphone numberni Karla.

Pag-uwi ni Mike, hinahanap niya si Andrew. Nag-ring ang phone at tumawag si Gillian kay Rose. Sinabi niya na nagbabakasyon ito sa mga kamag-anak nila sa Bulacan. Itinanong nito kung kailan ito uuwi, hindi raw niya alam kung kailan.

Itinanong ni Patria kina Boy at Tina kung sino ang nagsumbong kay Andrew. Sinagot na ni Boy si Patria at sinabi nitong siya ang dahilan kung bakit naglayas si Gillian.

Pagdating ni Andrew, galit na galit siyang sinalubong ni Mike. Sinabi ni Bernardo nagpasama siya kay Andrew dahil sumikip ang dibdib nito. Sinabi ni Andrew na huwag daw mag-expect si Bernardo na magpapasalamat ito sa kanya dahil hindi naman siya humihingi ng tulong. Concern lang daw naman siya, sabi ni Bernardo, ang sabi naman ni Andrew, dapat daw kay Gillian siya magmalasakit. Pati si Rose nagalit sa kanya dahil nagsinungaling ito sa kanya. Ayaw kasing maniwala ni Rose na naglayas si Gillian dahil nga nakausap pa lang niya ito.

Naglulungkot ang mag-asawang Patria at Bernardo dahil ganoon na lang ang patrato sa kanila ni Andrew.

Namimiss na ni Rose si Gillian. Hindi niya ma-explain ang pangungulilang nararamdaman nito sa kanya dahil hindi naman daw niya ito anak.

Pinagtatanong ni Boy si Gillian, pero hindi naman siya nakita ng pinagtanungan niya.

Si Emma naman, pinapkilala si Mark kay Trish(?).

Naghahanap pa rin ng trabaho sina Gillian at Carla. Natetempt na si Karla bumalik sa pagsasayaw sa club.

Ibinigay na ni Andrew kay Mike ang menu, inapprove na niya ito pero galit pa rin siya kay Andrew.

Nakakita ng “Wanted: Maid” sign sina Gillian at Karla. Pumasok sa loob sa Gillian, nagpaiwan naman sa labas si Karla. Saktong tumawag si Andrew at sinagot naman ito ni Karla. Papalabas na si Gillian, kaya pinatay niya ang phone.

Tinext niya si Andrew at sinabing magkita sila mamayang gabi…

Isang Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 14”

  1. mika Says:

    hay naku love it super!!
    bgay jake-roxanne!:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: