Margarita, Episode 4

by

Nakita ng batang kasama ni Jessica ang nangyari (kapatid ba niya iyon o anak?) at gusto nitong tumawag ng pulis. Pero sabi ni Jessica, baka daw siya ang pagbintangan ng mga pulis. Ipinapangako niya dito na hindi ipagsasabi ang nangyari.

Sa tulong ng mga kabaranggay nina Margarita, hinahanap pa rin si Adora. Dumating si Carding at sinabi kay Gary ang nangyari at umalis sila. Sinundan ni Margarita sina Gary at Carding (tatay ni Rodrigo na pulis) dahil masama ang kutob nito. Nasundan niya ang mga ito sa kinaroroonan ni Adora.

Sabi ni Carding, ang theory daw ng mga imbestigador ay ibinenta ni Adora ang kapatid nila (dahil nga may mga pera sa paligid nito) at dahil nakonsensiya ito nagpakamatay na lang. Hindi naniniwala si Margarita, sinabi niyang pinatay ang nanay niya, hindi ito nagpakamatay.

Ibinurol at inilibing na si Adora. Bakit daw lagi na lang silan nang-iiwan, sabi ni Margarita. Sabi naman ni Rodrigo, hindi niya ito iiwan.

Dinala ni Gary sina Margarita sa bahay nilang magkapatid. Ayaw pumayag ni Magda, pero pumayag na rin ito noong sinabi ni Gary na aalis na rin siya kung hindi niya tatanggapin ang mga ito.

Pag-alis ni Gary ng kinaumagahan, ginising ni Magda sina Margarita at hindi niya pinapasok ang mga ito sa iskwelahan. Pagdating ni Gary, nagalit ito sa kapatid niya at pinatigil niya sa paglilinis ang mga ito. Pinapasok na niya sa iskwelahan at dahil nakakita na ito ng trabaho pinaalaga niya kay Magda ang bunso nilang kapatid na lalaki. Iyak ng iyak ito at hindi niya mapatahan, kaya iniwan na lang niya ito sa sofa.

Pinuntahan ni Margarita si Robert. Sinabi niyang alam niyang may kinalaman ito sa pagkamatay ng ina at pagkawala ni Gelly. Pinalayas niya ito at itinulak si Margarita. sasampalin na sana kung hindi dumating si Rodrigo.

Pinuntahan nina Margarita at Rodrigo sa pinagtatrabahuhan nitong toy store. Habang naghihintay, nakita ni Rodrigo na kinakausap nito ang isang manika. Nakita ni Gary ang pasa sa mukha ni Margarita. Nagsinungaling si Margarita at sinabing nadulas lang siya, pero ibinuking naman siya ni Rodrigo. Sabi ni Margarita hindi na siya babalik doon, at sana daw pati si Gary huwag ng pumunta doon.

Pinuntahan ni Gary si Robert at pinagsusuntok niya ito dahil nga sinaktan niya si Margarita. Pinakawalan ni Jessica ang aso nila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: