Ysabella, Episode 28

by

Tuwang-tuwa sina Trining at Alex noong nalaman nilang magiging chef na si Ysay.

Sa usapan nina Mito at Jordan, inamin nito na gusto niyang maging masaya sa mga swerteng nangyayari kay Ysay, pero parang hindi niya magawa. Ego lang daw iyon sabi ni Jordan.

Tinawagan ni Sofia si Ysay para yayain ito sa isang meeting. Siya lang daw at hindi kasama si Mito. Tinawagan ni Ysay si Mito para ibalita ang pagtawag ni Sofia, pero okay lang daw iyon at ibalita na lang niya pnagmeetingan niya.

Sinabi ni Sofia kay Ysay na nagkamali sila sa pagha-hire kay Mito. Hindi daw nito kayang pantayan ang pagluluto ni Victoria.

Pinuntahan ni Victoria si Homer para hingin ang mga impormasyong nakalap nito tungkol kay Ysay. Habang nandoon siya, nakita niya sa TV sina Lima at Jordan sa background ng isang balita kung saan ipinapakita ang mga nasalanta sa bagyo.

Pumunta si Mito kina Ysay pero wala pa ito kaya iniwan na lang niya kay Alex ang mga dala nitong bulaklak. Tinanong ni Alex kung ano ang panlaban nito sa stage freight.

Habang naglalakad si Ysay galing sa meeting, iniisip nito ang mga sinabi ni Sofia sa kanya. Sinabi ni Sofia na hindi naman niya tatanggalin si Mito. Gagamitin daw niya ang pangalan nito bilang panghatak ng customers.

Sinabi ni Jordan na he can’t wait until the time na malaya na niyang mamahalin si Lima. Nagyakap sila. Dumating si Victoria, ayaw umalis ni Jordan, sapilitang ipinasok ng mga bodyguards ni Victoria si Lima sa kotse. Galit na galit na ikinulong ni Victoria si Lima sa kwarto. Nagkasagutan sila at sinabi ni Lima na alam niyang ninakaw lang naman ni Victoria ang recipe na ikinayaman niya.

Binugbog ng mga bodyguards ni Victoria si Jordan at puro pasa ito.

Hindi alam ni Ysay kung ano ang gagawin niya. Ayaw na sana niyang tanggapin because of Mito. Pero ipinaalala nina Trining at Alex kung gaano na niya katagal hinihintay ang pagkakataon na ito. Kung hindi daw niya tatanggapin ang alok na ito, para na rin niyang binigo si Rosario.

Hindi makatulog si Ysay, iniisip niya ang mga pangarap niya mula noong bata pa siya at ang relasyon nila ni Mito.

Noong ginigising lang ni Mito si Jordan nito nakita ang mga pasa ni Jordan at mataas na mataas ang lagnat nito.

Sinugod ni Victoria si Sofia, ito ang pinagbibintangan niyang nagsabi kay Lima na ninakaw niya ang recipe ng Victoria’s chicken (si Andrew ang nagsabi kay Lima, by the way).

Si Mito ang sinisisi ng daddy nito sa nangyari kay Jordan.

Nagpunta si Ysay sa puntod ng mga magulang niya at humihingi ito ng tawad sa napagdesisyunan niya. Nagpunta si Ysay sa Florencia’s para sabihing hindi niya matatanggap ang offer ni Sofia…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: