Walang Kapalit, Episode 73

by

Tinawag ni Vanessa si Elaine para sabihing nandoon si CYnthia. Pinagsasampal at pinalayas ni Elaine si Cynthia.

Sinabi ni Noel na self-defence ang plano nilang depensa ni Melanie. Mag-iimbestiga pa raw si Noel para sa mga pangyayari. Nagalit si Elaine sa abugado nila dahil sinasabi nito na baka nga self-defence lang ang ginawa ni Melanie dahil nga pinaniwala ni Elaine si Melanie na sila ang magkikita at hindi sila ni Ronald.

Pinagdala ng pagkain nina Moody at Ceding si Melanie. Walang ganang kumain si Melanie at naiiyak ito sa mga nangyayari sa buhay niya. Nagpunta si Noel sa crime scene. Habang naroroon siya, inisip niya lahat ng mga sinabi ni Melanie na nangyari.

Pinuntahan ni Cynthia si Melanie para sabihin sa kanya na huwag itong mag-alala at tetestigo ito para sa kanya. Sinabi rin niya ang nangyari sa burol ni Ronald. Nagpasalamat si Melanie kay Cynthia dahil sinabi nito na tetestigo nga siya.

Dinalaw ni Cynthia si Noel para sabihing tutulong si Cynthia sa kaso ni Melanie. Gusto lang daw niyang itama ang mga pagkakamaling nagawa niya in the past. Nagpasalamat si Noel kay Cynthia at niyakap siya ni Cynthia. Saktong pababa ng hagdanan si Ceding, tinitigan lang siya ni Cynthia at hindi ito umalis sa pagkakayakap niya kay Noel.

Sinabi ni Ceding kay Noel noong nakita niya itong umiiyak, na tatagan niya ang loob niy para kay Melanie at para sa magiging anak nila.

Habang nakahiga sa sahig si Melanie (they can’t even give her a bed??!!), umiiyak ito habang iniisip ang mga pangyayari…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: