Natutulog ba Ang Diyos? Episode 13

by

Sinabi ni Andrew na alam na niyang lahat ng nangyari kay Gillian. Sinabi niyang pasalamat sila na may malasakit siya kay Gillian at ayaw nitong mapalayo ito sa kanyan or else isusumbong niya ang mga ito sa mga magulang niya. Laking pasalamat daw niya at hindi katulad ng mga ito ang mga magulang niya.

Itinanong ni Gillian kung bakit mabait ang anak ni Minerva sa kanya. Sinabi nito na idol niya si Gillian at siya ang dahilan kung bakit naglakas loob na siyang umalis sa club.

Pinuntahan ni Boy si Mark para ibalita sa kanya na nawawala si Gillian.

Gusto ng sabihin ni Patria ang totoo, natatakot naman si Bernardo sa mga maaring mangyari at baka mapalayas pa sila. Sinabi ni Patria na gagamitin daw niya si Mike at ang mga nangyari sa nakaraan. (Hmmmn…I wonder what that is…)

Sinabi ni Mark na sabihin na ang paglalayas ni Gillian kina Rose at Mike dahil alam ng mga ito ang gagawin. Nakiusap naman si Boy na huwag nitong sabihin dahil siguradong pag nalaman ni Patria na alam na nila ang paglalayas ni Gillian, siya na naman ang malilintikan sa nanay niya.

Hinabol ni GIllian si Carla at sumama na ito sa kanya.

Nakarating na sina Gillian at Carla sa bahay na uupahan nila.

Naglilinis sa sala si Patria at nakikinig sa usapan nina Andrew at Rose. Nalulungkot daw si Rose, bored daw ito at naisip niya na paano raw kung marami siyang kapatid at mas magulo sa bahay nila. Nailambing siya ni Andrew para hindi na nalungkot habang nakamasid si Patria.

Tinanong ni Carla si Gillian kung bakit marami itong pasa. Luhaang kinuwento ni Gillian ang mga nangyari sa kanya. Nalaman ni Gillian na hindi pinapayagan ng nanay ni Carla na ilabas siya ng mga customer, hanngang sayaw lang siya sa club. Narealize ni Gillian na beinte-singko mil lang ang halaga nito para kay Patria.

Umiiyak si Patria at nagseselos sa paglalambing ni Andrew kay Rose. Gusto na talga niyang sabihin na siya ang tunay na ina nito. Inalo siya ni Bernardo at sinabing darating din ang panahon at magkakasama sila.

(As if naman na pag nalaman na ni Andrew ang totoo, bigla na lang niyang mamahalin sina Patria at Bernardo🙄 .)

Dumating na si Mike galing sa trabaho, tinanong ni Andrew kung may maitutulong ito sa opisina niya. Iginiit na naman ni Mike na there’s no room for mistake sa project na ginagawa nila. Sinita siya ni Rose, pero sabi ni Mike hindi talaga nila kayanag magkamali sa proyekto nila. Sana daw bago ang lahat, suportahan muna ni Mike ang anak nila.

Hindi makatulog si Gillan at pinagmamasdan ang picture ng pamilya niya. (Malaki-laki naman iyong bahay na inuupahan nila, iisa lang ang kwarto?) Tinanong ni Carla kung may balak pa itong umuwi sa kanila.

Inisip ni Gillian kung babalik pa siya sa mga magulang niya. Aayusin mun raw niya ang sarili niya bago siya bumalik, babalikan daw niya sina Boy at Tina sa tamang panahon. Pagod na raw isyang maghintay at umasang mamahalin siya ng nanay niya. Kung hindi daw siya kayang mahalin nito, siya na lang ang magmamahal sa sarili niya.

Kinukwento ni Carla ang binabasa niyang pocketbook. Tungkol daw ito sa magkababatang mortal enemies na nagka-in-love-an. Tinanong ni Carla kung na-inlove na ba si Gillian. Hindi raw.

Sa bahay nina Rose at Mike gagawin ang launch party ng isa sa mga kliyente ni Mike. Si Andrew ang inatasan ni Mike to come up with a menu. Ang budget daw nila ay P200,000. Tuwang-tuwa naman na tinanggap ni Andrew ang task niya. Tinutulungan siya ni Rose sa ginagawa niya at nakikinig na naman si Patria sa sweet na usapan nilang mag-nanay.

Pinuntahan ni Mark si Andrew para ibalitang naglayas si Gillian…

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 13”

  1. nawawala Says:

    parang hindi panatag ang loob ko kay carla… ba’t kaya… siguro maiinlab yun kay andrew tapos magpapatulong kay gillian? o kaya ano kaya? hehe.

    siguro di na naman aabot si andrew sa dad nya tapos pagagalitan na naman sya.. hmmm…. wawa naman.

  2. mika Says:

    wag nmn p0h! pag ngyari un naku!!! mgaaway kmi ng direktor sobra nmn, c mark nlng wag nmn c andrew!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: