Margarita, Episode 3

by

Hindi na raw papasok si Margarita para siya na lang ang gumawa ng mga labada ni Adora. Pero ayaw pumayag ni Adora na mangyari ito.

Nanghihiram ng pera si Gary sa ate niya, pero hindi siya pinahiram nito.

Ang mga kabaranggay naman nina Margarita, nabigay ng tulong para sa pagpapagamot ni Adora. Ibinigay din ni Rodrigo ang lahat ng mga ipon niya sa bangko. Nalungkot na naisip ni Margarita na ang ibang tao nagawang tulungan ang nanay niya, ang tatay niya wala silang pakialam.

Pinuntahan ni Margarita si RObert. Ayaw nitong maniwala na totoong may sakit si Adora. Binigyan niya ito ng singkwenta pesos at pinalayas na niya. Pinakawalan pa nila ang aso nila mula sa pagkakatali para matakot si Margarita at umalis na.

Nakagawa ng paraan si Gary, nakahingi ito ng tulong sa PCSO(?), ang tanging dinadasal lang ni Gary na sana dumating agad ang pera bago mag-umpisa ang chemotherapy ni Adora. Sinabi nito kay Margarita na mahal na mahal niya si Adora at kahit buhay niya ibibigay niya para dito. Habang nag-uusap sila may dumaang magtatay. Humingi ng pera ang bata at binigyan siya ng P50 pesos nito. Lalo siyang nalungkot dahil naalala siguro niya ang perang ibinigay ng tatay nito sa kanya.

Idineliver ni Adora ang mga labahin niya sa kapitbahay nina RObert. Muntik na siyang makita ni Adora.

It turned out bago pa man sila maghiwalay ni Adora, may relasyon na sila ni Jessica. Sinabi ni Jessica na kung nagawa niya ito kay Adora, magagawa rin niya ito sa kanya lalo na’t hindi sila magka-anak. (Hindi daw mangyayari iyon dahil “sobrang mahal niya ito”– geez, bakit ba napakaprominent word na “sobra” sa mga dialogue ng mga sineserye) Hindi naman sila makapag-ampon dahil hindi naman sila kasal.

Sabi ni Robert kukunin na lang daw niya ang bunso nila ni Adora. Pumayag naman si Jessica.

Habang papunta sa bahay na kukunan ng labada ni Adora, nakita siya ni Jessica at sinabing may i-aalok daw ito sa kanya. Isinakay ni Jessica sina Adora at Gelly.

Nag-aalala na sina Margarita dahil hindi pa nakakauwi ang nanay niya.

Dinala ni Jessica si Adora sa isang liblib na lugar para magpakilala kung sino talaga ito. Inalok niya ito ng malaking halaga para kay Gelly. Inihagis lang ni Adora ang perang ibinigay nito sa mukha niya.

Kinuha niya si Gelly at itinulak niya si Adora sa bangin. Nabitiwan na ni Adora ang pagkakahawak niya at tuluyan na itong nahulog sa bangin…

Kawawa naman si Gary, antagal na niyang hinihintay na matauhan si Adora para siya naman ang mahalin niya, nun naman namatay ito. Napaka-tragic talaga ng istoryang ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: