Ysabella, Episode 27

by

Pinigilan ng sumakay ng bus ni Ysay si Andrew. Bakit hindi man lang ito tumawag or nagtext sa kanya para magpaalam. Babalik naman daw ito sa kasal nina Trining at Perry, e kanino raw ito hihingi ng advice pag wala siya.

Hindi nila alam na nagmamasid si Victoria sa kanila.

Dumating na ang susunod na biyahe sa bus. Itinanong ni Andrew kung ano ang gusto nitong pasalubong, kahit ano basta kasama daw siyang darating ng pasalubong. Nagyakap sila at sumakay na ng bus si Andrew. Naiiyak na sabi ni Ysay, “para naman tayong magboypren nito.”😆

Paglingon niya nakita niya si Victoria. Sinabi ni Ysay kina Trining at Alex kung ano ang nakita.

Ipinamimili ni Lima si Jordan ng mga damit sa tiangge, dahil daw socialite siya kaya dapat presentable ang boyfriend niya. Ayaw sana ni Jordan, pero pumayag na rin ito.

Nagpaalam na si Mito sa staff niya. Sinabi ni Ysay na bakit ba lahat umaalis. Sinabi na rin niya na nakita niya si Victoria.

Kutodo porma si Jordan kaya tinutukso siya ng mga kabarkada niya. (Bakit iba na ang damit niya, si Lima ganun pa rin ang suot? Sinuot niya the same day ang mga pinamili niya?)

Pumunta si Victoria sa Florencia’s. Nalaman niya na tinanggap na ni Mito ang alok ni Sofia sa posisyon bilang chef. Umalis na si Victoria, pero hinabol siya ni Mito at sinabing huwag na huwag niyang idadamay si Ysay sa laban nila.

Mainit ang ulo ni Victoria, pati ang kinikilig na si Lima napagdiskitahan niya.

Nag-start na si Mito sa Florencia’s.

Nagbe-brain storm naman sina Ysay at ang staff niya tungkol sa concept ng show niya. Nakatulog si Ysay, at pinagtatawanan naman siya ng mga katabi niya.

Hindi nameet ni Mito ang expectations ni Sofia sa flavour ng mga pagkain na niluto nito.
Pumunta si Georgia sa Florencia’s. Kinausap niya sina Sofia at Homer para sabihing walang pakinabang si Mito sa kusina. Sinabi rin nito na nacancel na ang show ni Mito, kaya siguro tinanggap niya ang alok ng Florencia’s.

Hinintay ni Ysay si Mito sa labas ng Florencia’s. May nagpa-autograph kay Ysay (at nilagpasan lang nila si Mito?).

Tinanghali ng gising si Ysay, narealize niya na mahirap pala ngayong magkalayo na sila ng trabaho ni Mito. Dinalhan ni Ysay si Mito ng fishballs sa Florencia’s. Ang nangyari, si Ysay na ang natuloy ng mga niluluto ni Mito.

Sarap na sarap ang mga amiga ni Sofia sa mga pagkaing kinakain nila. Hinanap ni Sofia si Mito dahil maraming naiimpress sa niluto niya. Sinabi ni Sydney (ang supposedly sous chef ni Mito), na hindi si Mito ang nagluto at si Ysay.

Hinire ni Sofia sina Mito at Ysay sa Florencia’s.

Pinakain ni Jordan si Lima ng isaw(?), siya naman daw ang babaguhin nito. Nagustuhan naman ni Lima. Hanggang sa parking lot lang naihatid ni Jordan si Lima dahil nga hindi ito pwedeng dumalaw sa bahay nila.

Natutuwa naman si Ysay dahil makakapagluto na siya sa Florencia’s.

Nagreport si Homer kay Victoria. Ibinalita nito na magaling magluto si Ysay. Gusto daw malaman ni Victoria lahat ng tungkol kay Ysay, lalo na ang mga kahinaan nito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: