Walang Kapalit, Episode 72

by

Nakulong si Melanie sa kabila ng protesta nina Ceding, Moody, at Noel.

Sabi ni Moody kay Ceding, si Cynthia daw baka pwedeng tumestigo para kay Melanie. Sabi ni Ceding si Cynthia pa raw ba ang aasahan nila na tumestigo kay Melanie?

Ikinuwento ni Noel ang lahat ng nangyari kay Brian. SI CYnthia lang daw ang makakapagbigay linaw sa mga pangyayari dahil hindi pa nasasabi ni Melanie ang lahat.

Sa burol na ni Ronald ipinangako ni Elaine na pagbabayaran ni Melanie ang lahat ng ginawa nito kay Ronald. Hindi daw siya titigil hangga’t hindi siya nabubulok sa kulungan.

Pumunta sina Elaine, Vanessa, at Arnold si Melanie. Nadatnan nilang natutulog si Melanie sa sahig ng selda. Inihagis ni Elaine ang clipboard na nakuha niya sa isang mesa at sinigawan si Melanie. Isinusumpa daw niya na magdurusa lahat ng mga mahal niya sa buhay lalong lalo na ang batang nasa sinapupunan niya.

Nagpunta sa burol ni Ronald si Noel para pakiusapan ang pamilya ni Ronald na iurong ang demanda kay Melanie. Kinwestiyon pa ni Noel si Elaine sa pagse-set up nito sa pagkikita nina Melanie at Noel. Hindi rin sila pumayag dahil may motibo daw si Melanie para patayin si Ronald.

Nagbago na raw nag isip ni Cynthia tungkol sa ipapapagawa niyang bahay, mag-abroad na lang daw sila. Binola niya si Victor at sinabi niya na para daw pag nagkababy sila doon na ito ipapanganak.

Pinuntahan ni Brian si Cynthia, itinanong nito kung ano ang totoong nangyari. Na-shock si Victor dahil wala siyang alam sa nangyari. Sabi ni Brian, lahat ng daw ng pwedeng gawin para matulungan si Melanie, gawin niya. Umoo naman si Cynthia.

Pinuntahan ni Noel si Melanie para ibalita ang pagpunta niya sa pamilya ni Ronald. Ikinuwento na lahat ni Melanie nangyari. Iyak ng iyak si Melanie, inassure siya ni Noel na self-defence ang ginawa niya.

Nagpunta si Cynthia sa burol ni Ronald ng nakapula mula ulo hanngang paa. Inalis pa nito ang hat niya at inilagay sa kabaong ni Ronald. Hindi pa nakuntento, kumuha pa ito ng rosas she crushed it on his casket…

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 72”

  1. nawawala Says:

    iyak ako ng iyak doon sa part na namatay si ronald.. yung nasa morgue na sya tsaka nung ikukulong na si melanie!! grabe acting nila piolo at claudine doon!!

    tsaka nung nabaril si ronald at tinawag pa nya si melanie, naawa ako sa kanya!😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: