Natutulog ba Ang Diyos? Episode 12

by

Tinanong ni Rose si Gillian kung ano talaga ang nangyari. Nagsinungaling si Gillian at sinabi niya ang itinuro ni Patria sa kanya. Awang-awa naman si Rose sa sinapit ni Gillian. Nakikusap si Rose na huwag na muna itong bumalik sa kanila dahil baka dalhin na naman siya ni Patria kay Lori. Namimiss na raw niya kasi ni Gillian ang mga kapatid niya. Bukas daw ang pinto ni Rose sa kanya. Second home na raw niya ang bahay nila.

Tinanong ni Boy kung bakit bumalik pa ito sa kanila. Para daw hindi na mapagbuntunan ng galit ni Patria sina Boy at Tina. Sinabi na ni Boy sa kanya na si Tina ang nagnakaw ng mga alahas. Dumating si Tina, pinagsasampal at piangsasabunutan ni Gillian si Tina. Dumating si Patria at inawat sila, sabay sabing alam na niya na si Tina ang nagnakaw. Sinaktan niya ulit si Gillian.

Nabahala si Andrew dahil nalaman niyang bumalik na si Gillian sa bahay nila.

“Tulog ba Ang Diyos?” ang tanong ni Gillian kay Boy. Dahil sarili niyang mga magulang walang malasakit sa kanya, pati na si Tina na puro kasalbahihan ang ginagawa sa kanya.

Umalis na si Gillian. Kinaumagahan, nagdadabog si Patria dahil nagalit siya kay Gillian sa pananakit nito kay Tina. Wala raw itong karapatang saktan ang mga anak niya. Siya namang pagpasok ni Boy para sabihing naglayas si Gillian.

Ayaw pa ring maniwala nina Rose at Mike sa sumbong ni Andrew na sina Patria ang nagbugaw kay Gillian. Tinanong ni ROse kung hindi niya isasama si Andrew sa trabaho, huwag na muna raw dahil na-close na niya ang deal na muntik ng mawala sa kanya noon (courtesy of Andrew’s mistake). He doesn’t want anyone messing it up daw.

Hinabol siya ni Rose para sabihing baka naman lumayo ang loob ni Andrew sa kanya. Dumating si Patria para sabihing hindi makakapasok si Bernardo, dahil nagpabunot ng ngipin.

Pinuntahan ni Rose si Andrew sa kwarto nito para sabihing huwag na niyang masyadong dibdibin ang daddy niya. It’s not too late to prove himself again daw sabi ni Rose. Magpakita lang daw siya ng malasakit and that should be enough.

Ginising ni Patria si Tina para patulungin sa paghahanap kay Gillian.

Pinuntahan nina Rose at Andrew si Gillian sa bahay nila at may dala silang kare-kare. Nakasalubong nila si Patria, tinatanong ni Rose kung nasaan si Gillian dahil may sakit ito. Baka daw mabinat ito, bakit daw pinaalis daw niya. (Hindi ko narinig kung saan ang sinabi ni Patria). Ang sama ng tingin ni Andrew kay Patria.

Hinahanap nina Tina at Boy si Gillian, pero hindi nila makita.

Binobola ni Emma si Mike, all praises siya sa trabaho nito. Di bale daw after ng maraming trabaho, magbakasyon engrande daw sila. Sina Emma at Mark, sa States, sina Rose at Mike, sa magtu-tour sa Europe. Nakakainggit naman daw si Rose sabi ni Emma.

Nag-aalala na si Bernardo, sabihin na lang daw nila kina Rose at Mike na naglayas si Gillian baka sakaling makatulong sila. Ayaw namang pumayag ni Patria.

Dumating si Andrew at nagpapahatid kay Bernardo sa opisina ng daddy niya.

Nagkita ni Gillian ang anak ni Minerva, nakilala naman siya nito at itinanong kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi naman kumikibo si Gillian. Isinama siya nito at ililibre daw niya. Huwag daw siyang mag-alala, nanay ang niya ang bugaw at hindi siya.

Habang nasa sasakyan, sinabi ni Andrew kay Bernardo to “stop being a father to him” dahil sinasabi ni Bernardo sa kanya na huwag na niyang masyadong dibdibin ang mga sermong ng daddy nito sa kanya. At ang maganda daw, pag-aralan niya ang negosyo nila dahil siya ang nag-iisang tagapagmana. Nahurt tuloy ang isa.

Ikinwento ng anak ni Minerva na nailayasan na raw nito ang ina niya dahil hindi sila magkasundo at pupunta siya sa Taytay at may nakita na siyang uupahan doon. May naipon na rin siya dahil matagal na niyang plano ito. Tinanong niya si Gillian kung saan ito pupunta. Wala namang masabi si Gillian.

Nabigla si Mike kung bakit nandoon si Andrew. Masayang sinabi ni Andrew na baka may gusto itong ipagawa sa kanya, sabi naman ni Mike wala daw at umuwi na lang ito.

Sinalubong ni Patria si Andrew, baka daw malipasan ito ng gutom. Sinagot siya ng pabalang ni Andrew, siya daw ang dahilan kung bakit nagkanda-letse-letse ang araw niya. Nagalit si Bernardo, sinabi ni Andrew na alam niya lahat ng ginawa nila kay Gillian…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: