Margarita, Episode 2

by

Sa tulong ni Gary, nakakita na ng bagong tirahan sina Margarita. Lumipat na rin sila sa public school.

Tinutukso si Margarita ng ibang mga lalake sa iskwelahan. Ipinagtanggol siya ng isang lalake, pero tinarayan lang siya ni Margarita at sinabing: “Bakit, nagpatulong ba ako?”

Namumrublema pa rin si Adora dahil paglalabada lang ang alam niyang gawin. Binigyan siya ng pera ni Gary, ayaw man tanggapin nito wala naman siyang magagawa. Sabi ni Gary, ngayong wala na raw si Robert, hayaan naman niyang mahalin siya nito. Umaasa pa rin si Adora na babalikan pa rin siya ni Robert dahil mahala na mahal pa rin niya ito. Nag-umpisa na naman itong umiyak, niyakap at inalo siya ni Gary.

Nakita sila ni Margarita.

Umiiyak ito sa labas bahay, nakita siya noong lalakeng nagtanggol sa kanya sa iskwelahan. Mabait naman daw si Gary sabi ni Rodrigo. Paano daw kung mag-asawa sina Gary at ang nanay niya, baka paiyakin na naman niya ang nanay niya.

Ipinaliwanag ni Adora na kaya nakayakap si Gary sa kanya ay dahil pinapatahan niya ito sa pag-iyak niya.

Humingi ng paumanhin si Margarita kay Gary. Sabi ni Gary, okay lang daw iyon kasi alam niyang mahal na mahal nito ang nanay niya. Tinanong ni Margarita si Gary kung mahal ba nito ang nanay niya. Ang sagot ni Gary, hindi daw alam ng tatay nito kung gaano siya kaswerte dahil siya ang mahal ng nanay niya.

Nagkita na naman sina Rodrigo at Margarita. Laging ibinibida ni Rogdrigo ang tatay niyang pulis. Ayaw namang pag-usapan ni Margarita ang tungkol sa mga tatay dahil nakakalungkot. Sinabi niya kay Rodrigo na pangarap niyang sumikat, para hindi na magtrabaho ang nanay niya, makakapag-private school na sila ulit, at hindi na sila mamurublema sa mga kakainin nila sa araw-araw.

Tinutulungan ni Margarita si Adora sa mga labahin niya pati na ang pagdedeliver niya sa mga ito.

Kapos pa rin sila sa pera, kaya kahit sira na ang sapatos niya pinagtitiisan pa rin niyang isuot ito.

Nilalagnat si Adora dahil may kailangan itong dalhing labada. Nagvolunteer si Margarita na siya na lang ang gumawa nito at magpapatulong na lang siya kay Rodrigo.

Nakita ni Margarita ang bagong wig ni si Robert habang naghihintay sa maid ng pagdedeliver-an nila ng labada.

Masayang pinuntahan ni Margarita ito at niyakap pa niya. Pinagtabuyan lang siya nito at sinabing huwag siyang magkakamaling sabihin sa nanay niya. Nagalit si Rodrigo sa mga ginawa ni Robert kay Margarita, at sinabi nitong kung tatay niya si RObert papalakpak pa ito dahil hindi na ito umuuwi sa kanila.

Awang-awa si Margarita sa nanay niya. Hindi na niya sinabi dito na nagkita sila ng tatay niya. Nagising si Margarit sa mga pag-ubo ni Margarita.

Narealize ni Margarit na tama si Rodrigo sa sinabi nito tungkol sa sinabi nito sa tatay niya.

Pinuntahan ni Margarita si Gary para itanong kung mahal ba talaga niya ang nanay niya. Isinama ni Margarita at Rodrigo ang nakapormang si Gary. May dala pa itong bulaklak para kay Adora.

Patuloy pa rin ang pag-ubo ni Adora. Hinimatay ito. May kanser daw ito sa lungs, sabi ng doktor.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: