Ysabella, Episode 26

by

Sinabi ni Mito kay Jordan na basta daw siya ayaw niya ng gulo. Patungkol niya ito sa revelation na anak ni Victoria si Lima.

Wala pa ring kibo si Ysay. Isinama siya ng mga kaklase ni Lima sa isang task, kaya no choice siya.

Humingi ng paumanhin si Mito kay Ysay dahil hindi niya nasabi kay Ysay na anak ni Victoria si Lima.

Nalaman ni Mito through one of his staff na last day na ng show nila. He confronted Georgia, tapos pinalitaw pa ni Georgia na si Ysay dapat ang nagsabi sa kanya dahil kahapon pa raw niya alam ang mga pangyayari. Tapos sinumbatan siya ni Georgia, she made him daw tapos ipagpapalita lang siya nito sa isang magkakarinderya. Pero Mito can see right through her, alam nitong trick lang ni Georgia ang mga ginagawa niya para bumalik sa kanya si Mito.

Nagtampo si Mito kay Ysay. Nagpaliwanag naman si Ysay ng side niya.

Pagdating nila sa bahay, nakita sila ni Trining at niyaya si Mito sa handaan para sa paglabas ni Perry kinabukasan. Susubukan daw niya sabi ni Mito at umalis na ito.

During dinner, tinanong ni Phuket kung maraming gwapo sa pinuntahan ni Lima. Nag-comment si Victoria at sinabing baka mabroken-heart lang daw si Phuket kagaya ni Andrew. Pinagtawanan pa niya ito.

Parehong nalulungkot sina Ysay at Mito sa mga nangyari.

Si Andrew nakakita ng window of opportunity sa pagtatampuhan nina Mito at Ysay. Pero sabi ni Alex na huwag daw itong masyadong umasa.

Nakauwi na si Perry. Nagdasal sila bilang pasasalamat sa paggaling ni Perry. Isinama na rin niya sa dasal na magka-confidence na si Alex at magkaayos na sina Ysay at Mito.

Biglang dumating si Mito. Sinabi niya kay Ysay na tanggapin nito ang offer ni Georgia at tatanggapin niya ang offer sa kanya sa Florencia’s.

Habang naglalakad sila ni Mito, may nakita silang nagtitinda ng mga mood rings at ibinili niya si Ysay. Mag-iipon pa raw muna ito for the enagement ring, pero “save” na daw siya. Naiyak si Ysay, kaya sabi ni Mito, pag nagpropose siya magdadala siya ng isang box ng tissue.

May sinabi si Ysay that made Mito go to his dad and talk to him. (Sorry hindi ko narinig). Sinabi nito ang plano niyang pagtanggap sa alok sa kanya sa Florencia’s. Itinakwil na siya ng Daddy niya, kasama daw siyang lulubog ng Florencia’s.

Nakita ni Alex na nalulungkot si Andrew. Ipinagdasal daw niya kanina na sana huwang ng magbati sina Ysay at Mito at mag-away sila ng husto para sa kanya bumaling si Ysay.

Narinig ni Alex na paalis na si Andrew. Ipinagbaon ni Alex si Andrew ng pagkain para hindi raw ito gutumin sa biyahe (dahil alam niyang aalis na ito), pero doon sa sulat na inilagay niya sa plastic bag ng pagkain, sinabi niya na sana raw sa kasal nina Perry at Trining bumalik siya.

sa almusal na nalaman nina Trining at Ysay na pumunta ng probinsiya si Andrew.

Tinawagan ni Ysay si Andrew.

Trining: Hindi kaya nagtanan?
Alex: Paano magtatanan, nandito ang gusto niyang itanan.
Trining: Ano?
Alex: Wala.

Hinabol ni Ysay si Andrew sa terminal ng bus…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: