Walang Kapalit, Episode 71

by

Pinipilit pa rin ni Ronald si Melanie na bigyan siya ng isang milyon. Magbago na daw siya sabi ni Melanie, tutulungan pa raw niya ito kung gusto niya.

Pinaakyat ni Noel si Cynthia para tignan si Melanie.

Kinakabahan sina Ceding at Moody, hindi sila makatulog.

Binigyan ni Melanie ng tseke si Ronald, pero pinapabukas muna niya ang pinto bago niya ibigay ito. Instead of doing that, tinangka ni Ronald na gahasain si Melanie. Nagkaroon ng struggle, naglabas ng baril si Ronald, binuhusan siya ni Melanie ng mainit na kape. Nakuha ni Melanie ang baril, nabaril niya si Ronald.

Nashock si Melanie nagawa niya, hinimatay ito (sa couch!). Nakapasok si Cynthia sa condo unit, nagmamakaawa si Ronald kay Cynthia na dalhin siya nito sa ospital.

Kumuha ng panyo si Cynthia, kinuha niya ang baril at binaril niya si Ronald.

May batang nakakita kay Cynthia.

Nagkamalay si Melanie sa gitna ng mga imbestigador. Dinala si Melnie sa presinto, doon pa lang nakarating si Noel. (`Tangna naman o, hindi ba nila napansin mula kanina pa na walang malay si Melanie? Bakit walang tumawag na ambulansiya?)

Ininterrogate si Melanie ng mga pulis. Asan ang lawyer ni Melanie? Bakit mukhang ang mga pulis pa ang galit kay Melanie?

Susmaryosep.

Nagising si Victor sa mga halakhak ni Cynthia sa balkonahe nila.

Nabigla sina Elaine, Vanessa, at Arnold dahil sa morgue sila dinala. Iyak ng iyak ang buong pamilya sa pagkamatay ni Ronald.

Ikinulong na si Melanie, sa gitna ng protesta nina Noel, Ceding, at Moody. Nagsampa na raw ng demanda ang pamilya ni Ronald. (Naman, kailangan pa bang magsampa ng demanda ang mga biktima in a murder case? @#$%^!!)

Wala raw piyansa sa isang murder case…

Hay naku, tawagan niyo nga sina Grissom and company.

Bakit ba sa mga sineserye, hindi pwedeng hindi na lang pwedeng magbago ang mga kontrabida? Bakit kailangan patayin lahat, may kontrata ba sila sa mga punerarya na gumagawa ng ataul? Geez.🙄

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 71”

  1. TIN TIN Says:

    ANG gNDA tlGA nG wALang KApliT,,,…Bgay n bagy Cla ClauDine At Piolo….Sana MagkaRoon PA Cla Ng Mraming Movie At Teleserye………….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: