Natutulog ba Ang Diyos? Episode 11

by

Takot na takot si Gillian kay Patria nong matauhan ito. Nagkunwaring naiiyak naman si Patria sa nangyayari kay Gillian. Sinabi ni Patria kay Bernardo ang nangyari. Nag-aalala siya dahil laging nakapaligid si ROse kay Gillian baka raw malaman nito ang katotohanan.

Kalmante naman si Gillian sa piling ni Rose. Pero hindi pa rin ito nagsasalita tungkol sa mga nangyari.

Pinuntahan ni Bernardo si Andrew sa kwarto nito. Ibinabalta nito sa kanya na nagkamalay na si Gillian, kunwari dedma lang siya. Nag-offer ito na ihatid siya sa ospital pero hindi naman ito mkaalis at grounded ito.

Iyong muntik ng pumalpak na business transaction dahil sa negligence ni Andrew, natuloy pa rin.

Tinawagan ni Andrew si Mark para ibalitang nagkamalay na si Gillian. Ayaw rin siyang paalisin ng mommy niya, so hindi rin siya makakapunta.

Tinawagan ni Mike si Gillian, habang inaasikaso ito ni Rose sa ospital upnag kumustahin. Dumating sina Patria at Boy. Tuwang-tuwa si Boy ng makita ang Ate Gillian niya. Paalis na si Rose pero ayaw bitawan ni Gillian ang kamay nito. Umalis rin ito, babalik na lang daw siya.

Tinanong ni Rose si Andrew kung bakit hindi niya binisita si Gillian, nakalimutan kasi niya na grounded ito. Tinanong ni Andrew kung nasabi na ni Gillian kung ano ang tunay na nangyari sa kanya. Mukhang hindi pa raw ready ito na magsalita, kaya ayaw niyang pilitin ito dahil baka lalong matraumatize. Sinabi ni Andrew na malakas ang kutob nito na sina Patria at Bernardo ang nagpasok kay Gillian sa club. Hindi naman makapaniwala si Rose.

Noong mapag-isa sina Patria at Gillian, binalaan siya ni Patria na huwag magsusumbong. Sinisi pa niya ito sa mga nangyari sa kanya. Itinuro nito sa kanya ang mga dapat nitong sabihin pag tinanong siya nina Rose at Mike.

Pwede na raw sa bahay na lang magpagaling si Gillian sabi ng doktor kay Rose. Mukhang hindi naman natutuwa si Gillian sa balita. Nakiusap si Gillian na kung pwede raw sa kanila na muna ito tumuloy. Biglang dumating si Patria.

Sinabi ni Rose na sa kanila muna tutuloy si Gillian pagka-uwi nito. Ayaw ni Patria, pero pinilit pa rin ni Rose ang gusto niya kaya wala siyang nagawa. Masama at nagbababala ang mga tingin ni Patria kay Gillian.

Pag-uwi ni Gillian, binibiro siya ni Andrew at niyaya niya itong mag-basketball. Nagbibiro lang daw ito.

Naiinggit si Tina, nagpapakuha ito ng pagkain sa mansyon kay Boy or else daw isusumbong niya ito sa nanay nila dahil siya ang nagsumbong kina Rose sa pagkawala ni Gillian. Narinig ito ni Patria at pinaghahampas ng walis tingting si Boy.

Binisita ni Mark si Gillian at may mga dala itong pagkain. Habang si Andrew naman naghahanda rin ng pagkain para kay Gillian. Nakita ito ni Rose at tuwang-tuwa naman siya sa mga nakikitang pagbabago ni Andrew.

Pagdala ng pagkain ni Andrew sa kinaroroonan ni Gillian, nakita niyang magkasama sila ni Mark. Nahilong bigla si Gillian, kaya hinawakan siya ni Mark. Nakita ito ni Andrew. Sinabi niya na inutusan lang siya ni Rose na magdala ng pagkain at padabog na umalis ito.

Nakita ni Gillian ang mga pasa ni Boy. Naguilty naman si Gillian sa nanyari sa kapatid.

Narinig ni Patria ang pag-ring ng cellphone ni Tina. Nalaman na niya na si Tina ang nagnakaw ng mga alahas niya.

Nagalit si Tina kay Gillian.

Babalik na raw si Gillian sa bahay nila. Tinanong siya in Rose kung ano raw ang totoong nangyari…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: