Margarita, Episode 1

by

Unang eksena: magkasama sa kwarto sina Rodrigo at Margarita. Nangako si Rodrigo na aalis sila sa lugar na iyon at magbabagong buhay na sila ni Margarita, kasama ang mga kapatid nito.

Ipinakitang sumasayaw si Margarita. Kasabay nito ipinakitang nagkikipag-away si Rodrigo sa isang grupo ng mga kalalakihan, habang nakatagong nanonood si Bernard.

Nabaril si Rodrigo…umiiyak si Margarita habang nagsasayaw…

Next scene: Nagpeperform si Margarita, sumasayaw ito ng “What a Girl Wants” habang nanonood ang mga magulang nito. Sa kalagitnaan ng pagsasayaw nito, tumayo ang tatay niya at umalis ito. Pinagtakpan na lang ni Adora (Rio Locsin) ang pag-alis ng tatay nitong si Robert (Dick Israel).

Pag-uwi nila sa bahay, naka-empake na si Robert at pinagbibintangan si Adora na nanlalalake. Umalis na ito.

Nag-usap sina Adora at Gary (ang lalaking inaakusahan ni Robert na ka-affair nito). Kakausapin daw nito si Robert para sabihing wala talaga silang relasyon. Kahit pala noong ipanganak si Margarita, akala ni Robert, si Gary ang ama nito. Tuwing uuwi ito mula DUbai, lagi na lang niyang inaakusahan si Adora na nanlalalake. Walang alam na trabaho si Adora at wala itong pera, problemado ito dahil umalis na nga si Robert. Narinig itong lahat ni Margarita.

Sinisingil na sina Adora ng landlandy nila dahil matagal na silang hindi nakakabayad. Pag-alis ng landlady, nagka-labour pains na ito. Kasama nina Margarita si Gary habang hinihintay ang panganganak ni Adora. Babae ang bagong kapatid nina Margarita, si Angeli.

Kasama ang kapatid na lalake ni Margarita, ibinenta nila ang mga laruan nila sa daan. Nakita sila ng security guard at pinalayas sila nito. Lumipat sila ng pwesto at nagbenta pa rin. Masama man sa loob ni Margarita, pati ang paborito nito manika, kailangan niyang ibenta.

Nakita sila ni Gary. Pinakain niya ang mga ito sa isang ice cream shoppe. P2,500 lang ang napagbentahan nila, kulang pa itong pambayad sa bahay. Dinagdagan ito ni Gary. Ayaw ni Margarita baka raw magalit ang nanay nila, kaya kumuha na lang ito ng 2 laruan para hindi masabing bigay lang ang perang iyon.

Masaya sina Margarita at Robbie dahil may pambayad na sila. Pag-uwi nila naabutan nila si Mrs. Robles na pinapalayas na ang nanay nila. Ibinigay ni Margarita ang pera pero inihagis lang nito pabalik sa kanya at pinalyas pa rin sila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: