Ysabella, Episode 25

by

Gusto daw kasi ng daddy ni Mito na maging siyang abugado, pero that’s not him daw.

Ikinuwento ni Mito kung paano siya kinumbsini na mag-enroll sa culinary school at ginawan ng show ni Georgia.

Nagsorry si Ysay kay Alex dahil hindi siya nakapunta doon sa pinag-aaplyan niyang club. Ayaw na daw mag-try ulit ni Alex.

Nakita ni Alex na may black eye si Alex. Sinabi nito na nakainom lang siya, sabi ni alex naman daw nito ang dahilan kung bakit siya naglalasing. Hindi nito alam na may nakasunod na imbestigador sa kanila.

Ipinatawag ni Georgia si Ysay, kalimutan na daw niya ang nangyari kahapon. Bibigyan daw ng network si Ysay ng sariling show. Sisibakin na raw ang show ni Mito at siya ang papalit dito.

Nabigla si Ysay, hindi daw nila pwedeng gawin kay Mito ito. Ayaw pumayag ni Ysay pero may kontrata ito sa network. Sinumbatan na naman siya ni Georgia. Sinabi pa nito na huwag niyang pangungunahan ang network sa pagbabalita kay Mito.

Pag-uwi ni Ysay, nakita niya si Andrew at tinanong kung anong nangyari sa mukha niya. Nagsinungaling ito at sinabing naumpog siya. Sinabi niya dito ang problema niya. Hindi daw alam ni Andrew kung ano ang solusyon sa problema niya ay nag-joke na lang siya. Nagpasalamat si Ysay at niyakap niya si Andrew. Hindi nila alam na kinukunan sila ng picture ng imbestigador program.

Sa relief operation nina Ysay sa mga nasalanta ng bagyo, ipinakilala ni Mito si Jordan. Halatang may problema si Ysay pero ayaw niyang sabihin kay Mito.

Nagkita sina Jordan at Lima doon. Nagpsorry si Lima sa lahat ng ginawa ng mommy niya sa kanya. Bigla na lang niyang sinabi kay Jordan: “Mahal kita!” at nagyakap sila.

Nalaman ni Lima na girlfriend ni Mito si Ysay. Tinawagan niya si Andrew, at sinabi nito na huwag niyang ipaalam kay Ysay na magkapatid sila dahil malaki ang galit nito kay Victoria.

Ipinakilala ni Jordan si Lima kina Mito at Ysay.

Nag-report na si imbestigador. Nalaman ni Victoria na nakabili na siya ng lupa sa Nueva Ecija at tumutuloy ito kina Ysay…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 25”

  1. nawawala Says:

    bwisit na georgia yan talaga!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: