Walang Kapalit, Episode 70

by

Tinanong ni Melanie kung alam ni CYnthia kung saan ang condominium na sinabi ni Melanie. Sabi ni Cynthia, delikado daw ang lugar na iyon. Pinauwi nila si Moody, kahit gusto niyang sumama. (Hindi naman motor ang sasakyan nila na aangkas lang si Melanie kay Cynthia no. Kasya naman kasi iyong tao hindi na lang sinama.)

Hindi mapalagay si Elaine at napansin ito ni Arnold, pang-soap opera daw kasi ang acting nito. Sinabi na ni Elaine sa kanya ang pinagawa ni Ronald. Nagalit si Arnold sa ginawa ni Elaine, dahil alam niya na walang gagawing mabuti si Ronald.

Hinihintay nina Moody at Ceding si Melanie, dahil wala pa raw ito. (Ayaw naman talaga nitong isama, bakit sinisisi siya ni Ceding). Sinabi ni Moody kung saan pupunta si Melanie at sino ang kasama niya.

Hindi macontact ni Noel si Melanie, sinuggest ni Ceding na tawagan si Cynthia. Nacontact naman niya ito. Ayaw papigil ni Melanie so bahala daw siya sabi ni Noel, kahit anong sabihin naman daw nito hindi naman siya makikinig.

Nag-leave si Miguel sa bar para bantayan si Vanessa. Ayaw ni Vanesa dahil kaka-break lang daw nila ni Anton dahil pangit tignan na nagpapaligaw na siya. E di bilang kaibigan lang daw muna ang pagpunta niya doon, sabi naman ni Miguel.

Naiwang nahihintay si CYnthia sa parking lot habang papunta si Melanie sa loob ng condominium building. Pagpasok niya nakita niya ang pictre niya at mga bote ng beer. Nabigla siya noong nakita niya si Ronald.

Tinawagan ni Noel si Cynthia, para malaman kung ano na ang nangyayari.

ANo raw ba ang gusto ni Ronald sa kanya, naniningil lang daw ito ng utang. Ikinulong ni Ronald si Melanie, kailangan daw niya ng pera. Bayaran daw nito lahat ng utang niya sa kanya.

Sabi ni Ceding puntahan na daw ni Noel si Melanie. Tumawag siya kay Cynthia para malaman kung ano ang address.

Binigyan ni Melanie si Ronald ng tseke worth P100,000, nagalit si Ronald at pinunit niya ang tseke dahil P1 M ang gusto niya. Nakikiusap siya na magbago na si Ronald, at nagtangka itong umalis, pero itinulak siya ni ROnald …

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 70”

  1. nawawala Says:

    ang tanga-tanga-tanga-tanga naman kasi ni melanie eh!! Ewan ko ba! sa lahat ng mga bida na napanood ko, sya ang pinaka-tanga!! ay ewan!! di pa kasi sinama si moody! tangengot talaga!
    tsaka sinulat na lang sana nya yung P1 million tapos pina-stop payment nya sa bangko kinabukasan!! (meron bang ganon sa pinas?) o kaya derecho sya sa pulis pagkatapos! hmp!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: