Natutulog ba Ang Diyos? Episode 10

by

Nasa ospital pa rin si ROse sa ospital. At sinabi ni Emma na masyado raw siyang emotionally affected, baka raw dahil wala siyang anak na babae. Isinaman na ni Emma si Mark kahit gusto pa nitong mag-stay. Nasermon si Mark kay Emma paglabas nila ng ospital.

Sinabi na ni Bernardo sa pamilya niya na naconfine si Gillian. Sabi ni Bernardo, hintayin daw nitong umalis ang mga amo nila at siguraduhing paggising ni Gillian siya ang unang makikita nito para masabihan kung ano ang istoryang ipapalabas nila.

Nasermon pa rin si Andrew, binawi na ng Daddy niya ang ATM card at ang kotse niya. Sana daw tumawag ito dahil magdamag na umiiyak si Rose.

Naka-upo sa lobby si Andrew, pinuntahan ito ni Bernardo at inalok ng pagkain. Tinanong ni Andrew kung saan nila ito pinagtrabaho, hindi daw niya alam sabi ni Bernardo. Anog klase daw silang mga magulang.

Papalabas sina Mike, Andrew, at Bernardo sa ospital noong nakita nila si Patria. Sinabi ni Patria, nagpunta na raw ito sa bahay ng kaibigan niya at wala na raw ito doon at nagtatago. Sinabi ni Mike na puntahan daw nila ito, wala naman siyang nagawa.

Dinala nila ito sa night club kung saan niya binugaw is Gillian. Nakisabwat naman si Minerva at sinabing ang “kaibigan” nila ang nagbugaw kay Gillian. Galit na galit na nagsisigaw ng “Sinungaling!” kina Minerva at Patria. Hindi naman niya masabi sa Daddy niya na nandoon siya sa nightclub kaya alam niya ang mga pangyayari.

Pinagalitan ni Mike si Andrew dahil masama ang trato niya kina Bernardo at Patria. Paano daw kung si Patria ang nagpasok kay Gillian sa club. Kung daw totoo ito, palalayasin na niy ang mga ito.

Paano daw si Gillian? Ang sabi ni Mike, hindi naman nila mapupwersang tumigil si Gillian sa kanila, so nanahimik na lang si Andrew.

Medyo nakokonsensiya ng konti si Patria.

Pumunta na sa ospital si Patria, sabay drama pa ito sa harap ni Rose.

Nagkamalay si Gillian at natakot siya noong nakita niya si Patria…

5 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 10”

  1. nawawala Says:

    ay, nagustuhan ko yung pagsigaw ni jake ng “SINUNGALING!!” hehehehe!! ayos na ayos!

  2. hEaVEn Says:

    is Jake hot or what!
    ang late na ng bagong time slot ng “Natutulog…” sya ang pinakahuli among the drama series sa TFC programme…😦

  3. ptvj Says:

    nawawala: bagay sa kanya ang role na palaban🙂

    heaven: nung “brandon” pa siya sa SMM, hindi ako naku-cute-an sa kanya, tapos he had his hair cut, medyo nanibago ako. pero now, hot na siya in my eyes. hehe.

    marami yatang nagrerequest kasi na i-move ang oras, kaya ayan, namove nga.

  4. ethanne Says:

    I think dahil kung yung Margarita ang ilalagay nila sa timeslot ng Rounin na very late, baka wala lalong manood, considering marami pa rin ang galit kay Wendy. Marami na ang nanunuod ng Natutulog ba ang Diyos and i guess malakas ang ratings kaya confident silang ilagay sa late na timeslot.

  5. mika Says:

    ganda ni roxanne super!! grabe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: