Walang Kapalit, Episode 69

by

Sarap na sarap si Melanie sa manggang pinaglilihian niya. (Nangasim tuloy ako😆 .)

Dumating sina Miguel habang nag-uusap sina Ceding, Moody, Melanie, at Noel sa sala. Sinabi ni Miguel kay Ceding na muntik na itong ma-rape. Concerned na concerned naman si Ceding.

Naisip naman nina Noel at Melanie na habang nandoon si Vanessa, may access si Ronald dito.

Bumisit si Brian kina Victor at Cynthia. Sinabi ni Brian kay Victor na si Noel ang gustong kunin na architect ni Cynthia. Sa sobrang inis ni Cynthia, kinuha nito ang plato ng kuya niya kahit hindi pa ito tapos kumain.

Nagpaalam na si Vanessa, kasi baka malaman pa raw ni Ronald na nandoon siya at dumikit na naman kay Melanie. Binigyan ng tseke ni Melanie si Vanessa.

Sinadya nina Victor at Brian sa construction site si Noel. Sinabi ni Noel na hindi siya pumayag sa gusto ni Cynthia. Mabuti naman daw sabi ni Victor kasi hindi pa completely recovered si Cynthia mula sa kanya. Pwede naman daw siya ang maging lead architect, pero ibang tao ang magiging contact person nina Cynthia during the construction.

Inihatid ni Miguel si Vanessa sa ospital, nagalit si Anton kay Miguel, saan daw niya dinala si Vanessa. Dito sinabi ni Vanessa kay Anton at Elaine na muntik na siyang ma-rape. Ayaw daw muna niyang makausap si Anton.

Pinigilan ni Moody si Melanie na pumunta sa trabaho. Gusto lang daw niyang tulungan si Noel sa mga trabaho nito. (Akala ko ba whatever it takes, gagawin niya para lang sa baby? :roll:)

Ibinigay na ni Vanessa kay Elaine ang tseke at sinabi niyang walang tiwala si Melanie kay Ronald kaya hindi niya binigay dito ang pera. Sinang-ayunan naman ito ni Elaine. ROnald manipulated his mother, para gumawa ito ng paraan para lang makapag-usap sina Ronald at Melanie. Sinabi nito na tawagan ni Elaine si Melanie, at sinabing magkita sila sa isang address na ibinigay ni Ronald. (Sabi ni Elaine, “Bahay mo to, ha.” May bahay ba siya?)

Pagdating ni Melanie sa trabaho, nandoon si Cynthia at naghihintay. Dito niya nalaman siya ang ginawa niyang architect. Pinuntahan nina Melanie at Cynthia, nagalit si Melanie kay Noel. Bakit daw siya naglilihim sa kanya, sabi ni Noel naghahanap lang daw siya ng paraan para umatras.

Feeling referee naman si Cynthia.

(Score 1 for Cynthia. Melanie at Noel, don’t you know that you’re not supposed to fight infront of the enemy?)

Bigla tuloy naging hingaan ng sama ng loob ni Melanie si Cynthia. Nakipag-friends naman si Cynthia sa kanya. S Noel naman si Ceding ang ginawa niyang sounding board. Nakipagkamay naman si Melanie.

Nag-sisimula na silang magplano ni Cynthia.

Tumawag na si Elaine kay Melanie. Gusto daw niyang magkita sila ng personal, habang si Ronald nakikinig…

Argggggggggggghhhhhhhhhh!!! Mga tanga!!!

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 69”

  1. bernice Says:

    correct ka dyan. pati mga televiewers ginagawang tanga!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: