Natutulog ba Ang Diyos? Episode 9

by

Nakasunod pala si Andrew sa taxi kung kaya’t nakita niyang nabungo si Gillian ng isang kotse. Dinala niya ito sa ospital. Tinawagan ni Andrew si Mark para sabihin ang nangyari.

Nakabayad na si Patria sa pinagkakautangan niya g mga alahas.

Tinanong ni Mike ang mga tauhan niya kung alam nila saan nagpunta si Andrew. Hindi nito sinasagot ang text niya.

Hinihintay pa ang resulta ng x-ray ni Gillian. Hindi pa nila alam ang extent ng mga injuries niya. Ipapa-CT scan din daw siya. Wala pa itong malay.

Naiiyak na nagdasal si Andrew para sa ikakagaling ni Gillian. Dumating si Mark kaya biglang pinunasan ni Andrew ang mga luha sa mga mata niya.

Nag-away sina Patria at Bernardo dahil nalaman ni Bernardo na hindi pa kasama ni Patria si Gillian. Sinabi ni Bernardo na nawawala rin si Andrew. Biglang nag-alala si Patria.

Hindi sinabi ni Andrew kay Mark ang mga pangyayari sa likod ng aksidente niya. Sinabi ni Mark na naniniwala na siya sa milagro dahil sa saktong nandoon daw si Andrew noong maaksident si Gillian. Tatawagan sana ni Mark ang mommy niya para hindi ito mag-alala, pero pinigilan siya ni Andrew dahil grounded ito at siguradong malalaman ng mga magulang niya pag tinawagan ni Mark si Emma. BUkas ng umaga na lang daw siya tumawag, bantayan na lang daw nila si Gillian. Pumayag naman si Mark.

Alternate na nagbabantay sina Mark at Andrew kay Gillian.

Inireport na nina Mike at Rose ang pagkakawala ni Andrew. Umiiyak na si Rose dahil alalang-alala na ito kay Andrew. Tumawag si Emma para sabihing tumawag si Mark at kasama niya si Andrew sa ospital.

Maagang-maaga pa at pinalakad na ni Bernardo si Patria para bawiin si Gillian. Tinawagan siya ni Mike, para ipagmaneho sila sa ospital. Akala ni Bernardo si Andrew ang nasaktan, kaya nagpanic ito. Pero sinabi ni Mike na si Gillian ang naaksidente.

Binabantayan pa rin ni Andrew si Gillian at hindi pa ito nagkakamalay. Luhaang humingi ito ng tawad sa lahat ng mga ginawa niya dito noon at sinabi niyang “I love you.” (Grabe, kinilig ako dun.)

Ayaw tulungan ni Minerva si Patria para hanapin si Gillian. Idedemanda daw niya si Minerva kng hindi siya tinulungan. Pero sagot naman ni Minerva, siya ang nagbugaw sa anak niya.

Dumating na sa ospital sina Rose at Mike kasama si Bernardo. Sinabi ni Bernardo na buti na lang daw at hindi siya ang naaksidente. Tinignan lang siya ni Andrew.

May bone fractures si Gillian, pero makakarecover naman daw siya in no time. Hindi pa raw siya conscious dahil sa trauma na na-experience niya.

Awang-awang nilapitan ni Rose si Gillian, napatingin siya sa cabinet at nakita ang damit na suot ni Gillian. Sinabi ni Andrew na iyon ang suot ni Gillian noong naaksidente ito.

Tinanong nila si Bernardo dahil hindi naman nagsusuot ng mga ganoong klase ng damit si Gillian. Kinorner nila ito, pero puro “hindi ko alam” lang ang sagot niya.

Tinatanong nila kung nasaan si Patria para malinawagan na silang lahat…

3 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 9”

  1. hEaVEn Says:

    ako din kinilig sa “i luv u” part! jake’s the man!

  2. jade Says:

    sana wag ilipat sa gabi ang natutulog ba ang diyos? margarita na lang kasi wala na kong mapapanood sa 6 ng gabi

  3. mika Says:

    ahy nailipat na… aus lng pra may pnagpupuyatan aq! cbakin na kxe ung kokey,ysabella,deal or no deal at walang kapalit! iztend nlng ung kay roxanne!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: