Ysabella, Episode 23

by

Okay na talaga si Perry. Medyo nahihirapan pa rin itong magsalita pero alert na ang mga faculties niya.

Si Georgia, nagngingitngit habang pinapanood ang mga reels ng show ni Mito at Ysabella.

Pinuntahan ni Ysay si Mito sa bahay nito. Magpapasalamat daw ito sa kanya sa lahat ng tulong niya. Sinabi ni Mito na siya na ang bahala kay Georgia, huwag na itong mag-alala. Niyaya ni Ysay si Mito na umalis…

Nag-aalala si Sofia, dahil hindi kumikita ang Florencia’s. Nagkaroon ng idea si Sofia na kunin si Mito bilang bagong chef ng Florencia’s noong nakita niya ang show nito sa TV.

Sa ospital dinala ni Ysay si Mito at ipinakilala kay Perry –bilang boyfriend niya. Nashock silang lahat, including Mito. (Langya, wala na palang sagut-sagot ngayon, basta ipakilala na lang as boyfriend.) Kung hindi pa raw nagbabago ang isip ni Mito tungkol dito. Sa sobrang tuwa ni Mito, nabuhat niya si Ysay. Sabi ni Trining, si Mito daw ang bestman sa kasal nila ni Perry.
Kawawang Andrew…

Sinabi na ng fiance ni Sofia a.k.a mole ni Victoria ang balak ni Sofia na i-hire si Mito as a chef. Hindi naman mukhang threatened si Victoria.

Tinatanong ni Ysay kung ano ang problema ni Andrew noong madatnan niyang malungkot ito na nakaupo sa bintana. Pilit niang tinatanong kung ano ang problema nito.

May tinatawagan si Andrew sa phone, hindi ito sumasagot, nag-iwan ito ng mga messages sa phone nito. May nakabangga siya sa bar. Pinagtulungan siyang bugbugin ng mga tao doon. Iniuwi siya sa bahay nila (bahay nila Victoria).

Nagpapractice si Alex sa pang-gigitara. Gusto na nitong sumuko, pero kinumbinsi siya ni Ysay na magtry ulit.

Paggising ni Andrew, sermon na ni Victoria ang narinig niya. *Insert niyo ang drama ni Andrew dito, ganoon raw ba siya kahirap mahalin?* Umalis na it, at naiwang walang masabi si Victoria. Nagpunta si Victoria sa kwarto ni Andrew at doon ito umiyak. Tinawagan niya si Homer, at pinaiimbestiga kung ano ang nangyayari kay Andrew. Gusto daw niyang gantihan kung sino man ang gumagago sa anak niya…

(So, she doesn’t think she’s part his problem?)

2 Tugon to “Ysabella, Episode 23”

  1. jane crispe Says:

    It’s such a kilig episode. I would like very much for Mito and Isay to finally be together. Mito is so handsome and Isay is so pretty. They have contrasting personalities and such contrast when put together creates “magic”. They look so good together. I hope that they end up with each other in the end. I know that Andrew will play a huge part, but hopefully, in the end, it is going to be Isay and Mito. I love this soap. Judy Ann is as usual terrific, and Derek Ramsey is such a revelation. He is so handsome, and he registers very well on screen, not to mention his acting. He is such a natural.

  2. ptvj Says:

    i know what you mean, but i think andrew and ysay will end up together, and mito and georgia will get back together.

    just a hunch…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: